General

Canon G company: Coronavirus detection posible, sa loob ng 10 minuto

Inanunsyo ng grupo ng mga kumpanyang kinabibilangan ng major manufacturer na “Canon” na sila ay nakabuo ng isang pamamaraan na kayang matukoy ang coronavirus infection kung positibo ang isang tao sa pamamagitan ng sample gamit ang laway bilang specimen sa loob lamang ng 10 minuto.

Ang “Canon Medical Systems” ay nagkumpirma na kayang malaman ang resulta ng isang covid test sa loob lamang ng 10 minuto sa pamamagitan ng “saliva test” gamit ang LAMP method. Kapag ang specimen ay kinuha mula sa ilong at lalamunan ag resulta ay makukuha sa loob ng 14 na araw, pero sa kasong laway ang gamit, mas maiksi at sa loob lamang ng 9 araw. Inaasahan na ito ay magiging kapaki-kapakinabang sa quarantine na ginagawa para sa mga papasok at palabas ng bansa at para na rin sa “pre-match inspection” ng mga atleta.

Source: ANN News

To Top