Ang isang masaya at ligtas na paglalakbay ay mithiin ng lahat, saan mang panig ng daigdig. Subalit, di pa rin maiiwasan ang isang car accident. Ano ang mga dapat gawin kung may mga ganitong pangyayari? Read on.
Car Accident Tips in Japan
Sa bansang Japan, pangunahin dito ang wastong kaalaman sa pagsasalita ng wikang Hapon. Gagamitin ito ng bikitima sa pakikipag-ugnayan sa mga may kapangyarihan upang mabilis na matugunan ang suliranin ng bawat isa. Kung di naman marunong magsalita ng Japanese, sila ay may mga tinatawag na on-call translators upang tulungan kang magsalaysay ng mga nagganap bago at nang matapos ang car accident.
Kadalasan, ang mga pulis sa Japan ay nangangailangan ng mga sumusunod na dokumento kung ikaw ay nadamay sa isang car accident:
- Driver’s license
- Alien Registration Card
- form of your latest shaken
- form of mandatory car insurance
Bilang pagpapatuloy sa tips, una sa lahat, ang biktima ay kailangang tumawag ng pulis at ipagbigay alam ang kanyang eksaktong lokasyon kung saan naganap ang aksidente. Pangalawa, tumawag agad sa inyong car insurance company. Matapos ito, agarang gumawa at mag-file ng isang makatotohanang car accident report para sa iyong car insurance provider. Ihanda ang inyong ID number at ibigay din ang inyong tunay at buong pangalan. Sa pagdating naman ng mga pulis sa pinangyarihan ng aksidente, itatanong nila kung may nasaktan at mga iba pang mga mahahalagang katanungan ukol sa car accident. Apat na forms ang hihingin ng mga pulis sa isang car accident victim.
Car Insurance Company Role
Bilang isang car insurance company, tungkulin nito ang alamin ang mga kaukulang damages bunsod ng aksidente. Ito rin ay responsable sa pagbibigay ng assistance sa sinuman ang naka-aksidente. Ang isa sa mga pinakamagandang naidudulot ng car insurance company sa Japan ay kanilang inaatasan ang isang tao na sumailalim sa beginner’s driving class kahit na matagal ka nang nagmamaneho.
Kapag nag enrol ka, ito ay tatagal ng halos walong oras na may once a week schedule. Magkano ang kabuuang halaga ng beginner’s driving class? Ito ay nagkakahalaga ng 16,000 yen. Maaaring maraming requisites ang dapat gawin at sundin matapos ang isang car accident ngunit ito ay magsisilbing leksiyon upang mas lalong maging maingat sa pagmamaneho.