Beauty

Catriona kinabog ang mga politiko, artista sa pagmamahal ng mga Pinoy

Mabuhay ang Reyna! Sa naganap na homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray nu’ng Huwebes ng hapon sa Makati at Pasay, ramdam na ramdam namin ang kaligayahan ng mga Pilipino.

First stop pa lamang which is Sofitel na pinanggalingan niya ay dagsa agad ang mga fan. Punong-puno ang kalsada ng Makati kahit gaano pa katirik ang araw.

Hindi rin alintana ni Catriona kung masunog ang balat niya sa araw! Lutang na lutang nga ang ganda niya sa kulay green na Filipiniana gown na gawa ni Mak Tumang na inspired nga sa sampaguita.

Nakadagdag saya ang maaliwalas na mukha, at outfit ni Catriona. At lalong naging masaya dahil sa pagsasayaw ng reyna, ha! Sumasabay siya sa tugtog ng tambol at nagtatatalon pa!

Umabot ng mahigit 3 oras ang parada. At abot-tenga ang ngiti niya na hindi siya mukhang napagod.

Kilig to the bones ang mga fan sa tuwing nakikipag-interact si Cat­riona sa kanila. Iba talaga ang impact niya lalo na ‘pag sinasabi niya ang mga linyang: “I love you all so much!” at “Para sa Pilipinas!”

Parang tumigil nga ang lahat ng trabaho sa mga lugar na dinaanan ni Catriona. Lumabas kasi sila ng building para makita ang dalaga. Ang iba ay tumungtong sa mga bintana at mga bubong.

Winner din ang pakulo ng ibang mga fan na nagsuot ng ear cuffs, korona at naka-super high heels din, kahit mahaba ang parada! Kabog nga niya ang mga politiko, at mga artista sa pagmamahal sa kanya ng mga Pilipino.

Source:ABANTE

Catriona kinabog ang mga politiko, artista sa pagmamahal ng mga Pinoy
To Top