Cherry Blossoms, Japan – Ang pamumulaklak ng puno ng cherry blossoms ay tunay na Kaaya-aya sa paningin, lalo na kapag ito ay sa ganap ng namumulaklak. Mayroong ilang mga varieties ng bulaklak ang puno ng Cherry Blossoms, at habang karamihan sa kanila ay namumulaklak lamang sa sanga ng mga puno na may maliliit na pinkish color na mga bulaklak, ang ilan sa kanila nagbubunga umano ng aktwal na seresa o cherries.
Sa bansang Hapon, ang cherry blossom ay higit pa sa isang magandang puno may bulaklak. May mga libu-libo ng cherry blossom na puno sa Japan, at bawat taon ang mga Hapon ay naghihintay at nagaabang sa pamumukadkad ng mga ito sa puno upang sundin ang tradisyon at nakaugalian ukol sa blossoming ng mga puno. Kapag ang puno ay nasa rurok na ng pamumulaklak, ang mga hapon ay na dumarating sa mga malalaking grupo sa bilang ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan upang tingnan ang mga bulaklak at magtamasa festivals sa pagkain, inumin, at musika.
Ang kabuluhan ng mga puno ng cherry blossom sa kultura ng mga Hapon ay nagmula pa sa history daan-daang taon na ang nakakalipas. Sa kanilang bansa, ang cherry blossom ay kumakatawan sa hina at kagandahan ng buhay. Ito ay isang paalala na ang buhay ay halos lubhang maganda ngunit na ito din ay napakaiksi lamang. Kapag ang cherry blossom ay namukadkad para sa isang maikling panahon bawat taon ng sobrang ganda, ito ay nagsisilbing isang visual na paalala ng kung gaano kahalaga at kung gaano kacomplicated ang buhay. Kaya, kapag ang Japanese people ay nagtagpo upang tingnan ang mga puno cherry blossom at mamangha sa kanilang kagandahan, sila ay hindi lamang nagiisip para magpapicture o para may maipagmayabang sa mga kakilala at kaibigan kung ano ang ginawa nila sa panahon ng tagsibol , kundi pati na rin sa mas malaking kahulugan at malalim na kultural tradisyon at ibig sabihin ng hanami o cherry blossom tree viewing sa kanilang kasaysayan.
Ang Spring sa Japan ay iisa lamang ang ibig sabihin : Panahon ng pamumukadkad ng mga puno ng cherry blossom!
Sa pagitan ng mahaba, taglamig na mga buwan at halumigmig ng tag-init, ay ang tagsibol na syang pinaka-popular na oras para sa turismo sa Japan – parehong domestic at international. Ang kapaligiran sa oras na ito ng taon ay nakakahawa, may mga parke puno ng revelers at supermarket shelves na kung saan isinalansan ang mga pinakabagong mga meryende, kakanin at pagkain na hinaluan ng Sakura flavors.
Ang cherry blossom (o sakura) popular hindi lang sa bansang Japan sa bawat taon, ay nagsisimula sa Okinawa sa dulong timog mula Pebrero hanggang sa hilagang Hokkaido sa buwan ng Mayo. Ang iba’t-ibang mga kadahilanan ay maaaring makaapekto kapag ang cherry blossom ay namumulaklak na: halimbawa kung ang tag-lamig ay mas mahaba kaysa sa inaasahan ay maaaring mangahulugan na ang mga bulaklak ay late season na kung mamulaklak, kung ang panahon ay unseasonably mild o hindi gaanong kalamigan ay maaaring magpahayag ang mga ito na mas mapapaaga ang tag-sibol, at kung nagkataong malakas na ulan naman ang kaalinsunod ng taglamig ay maaaring mangahulugan na ang mga puno ay hindi gaanong makakaproduce ng magagandang tanawin sa pamumukadkad ng mga bulaklak nito sapagkat maaaring hindi magfull bloom ang kanilang mga petalso di kaya naman ay mas maiksi sa inaasahan ang pamumulaklak nito. Para sa kadahilanang ito, ang forecast ay sinusundanng bawat mamamayan sa buong sakura season!
PETSA:
Ang cherry blossom ay karaniwang nagsisimulang mamukadkad sa buwan ng Enero o Pebrero sa Okinawa , at sa bandang gitna ng Japan ay mula naman sa mga buwan ng Marso at Abril, at tatapusin sa isang late bloom sa hilagang Hokkaido sa buwan ng Mayo. Sa mga lugar ng mataas na altitude, ang bulaklak ay mas huling namumukadkad kumpara sa mga rehiyon na may mababang altitude.
Sa Tokyo karaniwang nakikita ang unang blossoms sa mga huling araw ng buwan ng Marso, na kadalasan ay mamamasdan ang full bloom nito sa paligid sa buwan ng Abril 5. Sa Kyoto ay nahuhuli lamang ng isang araw o dalawa kumpara sa tokyo, habang ang mabundok na lugar sa paligid ng Takayama at Matsumoto bloom ay nagsisimula sa kalagitnaan ng Abril.
HANAMI:
Kung ikaw ay isa sa mga mapapalad na nakatira sa bansang Hapon sa panahon ng cherry blossom season, ito ang mga pinakamagandang oras upang magtungo at pumasyal sa mga lokal na parke at mga hardin na kung saan ay may mga hilera ng mga puno ng cherry blossom, magdala ng mga pang-picnic pagkain at inumin o sumali sa mga lokal na festival para sa isang hanami – o “flower viewing” . Ito ay ang panahon na ang mga Hapon ay nasa kanilang mga pinakarelaks mode, at ang lahat ng mga pampublikong lugar ay mistulang nagdidiwang ng isang partydahil sa dami ng mga tao at iba’t ibang tindahan o booth na nagbebenta ng mga pagkain at samu’t saring meryenda na may lasang Sakura.
Ang pinakakaraniwan na hanami spots ay tulad ng mga parke ng lungsod, landscape na mga pampublikong hardin, Castle grounds at kasama na ang gilid ng riverbanks,makikita mo ang lahat ng mga lugar na nabanggit ay punung-puno o kadalasan ay pinupuntahan ng mga tao sa kanilang rest days sa buong sakura season. Ang blossom period karaniwang tumatagal lamang ng isang linggo na – kung minsan ay mas maiksi pa kung may malalakas na pag-ulan sa rehiyon – kaya mayroon ka lang na limitado at maikling panahon upang tamasahin at maexperience ang view sa mga puno sa buong pamumulaklak nito na syang pinakapopular maging sa mga dayuhan at banyaga sa iba’t ibang bansa.
Ang Hanami ay maaaring isagawa araw araw o sa gabi. Ang parehong oras ay kaibig-ibig, ngunit para sa ilan ang hanami ay mas kaaya-ayang pagmasdan sa dapit-hapon kapag may mga lanterns na nakasabit sa puno,na kung saan ay sinisindihan pa madalas ang paligid ng puno upang mas ma-appreciate mo ang kagandahan ng mga bulaklak. Swerte mo rin kung masasaksihan mo na may mga palabas o may mga sumasayaw na geisha at iba pa sa ilalim ng mga puno.
ANG KASAYSAYAN:
Ang tradisyon ng hanami ay may kasaysayan sa nakalipas na di mabilang na siglo, nagsimula sa panahon ng Nara Period (710-794), kaya sa pamamagitan ng pagseselebra nito kasama ng mga lokal ay nangangahulugan ng pagbibigay galang at pugay sa pinakamahalaga at respetadong panahon ng mga rituals.
Kahit na ang termino hanami ay ginagamit halos eksklusibo upang sumimbolo sa cherry blossom-mula pa sa panahon ng Heian Period (794-1185), sa mga panahong ito ay ginaganap din ang hanami festivals sa ilalim ng wisteria at plum blossoms. Ang ilang mga matatandang Hapon ay patuloy pa rin na nagtitipon upang tingnan ang mga plum blossom (ume) ngayon, bilang isang mas tahimik na alternatibo na hanami gatherings.
Sa mga sinaunang Japan, ang cherry blossom ay pinakamahalaga dahil inihahayag nito ang rice-planting season at ginagamit sa banal na pag-aani ng taon. Ang panandaliang pagsibol ng ekstra-ordinaryong ganda nito, ay bantog bilang isang metapora para sa buhay mismo – at ito ay binibigyang pugay sa maraming tula ng panahon.
Ilan sa paghahalintulad ay ang kahulugan nito na ang mga Hapon ay naniniwala na sa puno ng mga sakura ay may nakapaloob na espiritu, kung saan ay inaalayan ng mga lokal ang mga puno nito ng rice wine. Ito ay lumago sa tradisyon na mas kilala ngayong hanami party – isang pagdiriwang o panahon ng feasting, pag-inom at pagsasaya na pinaniniwalaang nagsimula sa Imperial court of Emperor Saga at dahan-dahan na-filter down sa pamamagitan ng klase ng mga samurai upang maging isang tradisyong minamahal ng lahat ng echelons o iba’t ibang antas ng lipunan .
PRODUKTONG SAKURA
Kung ikaw ay nasa Japan sa panahon ng hanami season,maaaring masasabi mo na sadyang nababaliw ang mga tao sa panahong ito sa sakura. Hindi lamang ang mga kaganapan at festivals na nangyayari ang may blossom-themed sa ibat’y ibang panig ng bansa, pati na ang mga produkto sa mga supermarket ay sumasalamin sa mga darating na panahon – na may limitadong edisyon ng sakura-ang mga pagkain at inumin sa menu para sa limitadong panahon lamang.
Kasama sa mga ito sakura chu-hai (matamis na alcoholic na inumin), sakura dumplings, sakura KitKats, sakura beer, sakura chips – at mayroon ding sakura-flavored Starbucks latte!
MGA PANGUNAHING HANAMI SPOTS:
Napakaraming hanami spot sa kabuoan ng bansang Japan, at lahat ng tao ay may kanilang mga personal na paboritong lugar – narito ang mga pangunahing tampok pasyalan para sa hanami:
-
Mount Yoshino, Nara Prefecture
Dapat ay kabilang ka sa mga matatapang at may malalakas na loob upang mag flower viewing sa lugar na ito. Sakop ang higit sa 30,000 mga puno ng cherry blossoms, ito ay ang pinaka-tanyag na lugar ng sakura viewing sa Japan sa higit na daan-daang taong nakalipas.
-
Shinjuku Gyoen, Tokyo
Ang Tokyo ay sikat sa buong mundo bilang isang hyper-modern metropolis napapalibutan ng mataas na gusali at kumikislap na neon lights, at sentro ng sibilisasyon at kalakaran – mayroon ding isang nakakagulat na kayamanan ng mga berdeng puwang na kung saan maaari kang kumuha ng oras upang panandaliang tumakas sa buhay syudad na malayo sa pagmamadali, siksikan at mataong lugar sa bayan upang mag-relaks. Isa sa mga pinakamagandang lugar upang makita ang cherry blossoms sa Tokyo ay ang Shinjuku Gyoen, na kung saan ay tahanan ng may higit sa isang libong mga puno ng cherry blossoms ng parehong maaga-at late blooming varieties, ibig sabihin na ang sakura season dito ay mas mahaba kaysa sa ibang lugar sa lungsod.
-
Himeji Castle, Hyogo Prefecture
Ganap na muling binuksan sa taong ito pagkatapos ng isang limang-taong pagsasara, sa Japan ang pinakamalaking at pinaka-kahanga-hanga kastilyo ay isa ring kahanga-hangang lugar upang makita ang mga cherry blossoms. Ang UNESCO World Heritage Site ay nakasurvive sa sunog, digmaan, lindol at ang Meiji Restoration na isa lamang sa mga natitirang orihinal na feudal castles na nakatayo pa rin hanggang kasalukuyan sa Japan.
Kung Himeji ay wala sa iyong itinerary itong panahon ng tagsibol, huwag mag-alala – halos lahat ng mga Japan castles (kung orihinal man o reconstructed) ay gumagawa ng mahuhusay na mga lokasyon para sa hanami habang ang mga ito ay ayon sa kaugalian na napapaligiran pa rin ng cherry blossoms tree.
-
Mount Fuji
Ang tanging bagay na mas mahusay kaysa sa isang Japanese national icon ay ang dalawang Japanese national icon – at para sa isang pares ng mga buwan sa bawat taon maaari mong maexperience ang mga ito sa iisang lugar. Ang isa ay ang Mount Fuji na syang napapalibutan ng cherry blossoms tree. Mayroong iba’t ibang mga lugar kung saan napakagandang tingnan at pagmasdang ang Mount Fuji, ngunit ang paborito ng mga lokal ay ang Hakone at ang rehiyon ng Fuji Five Lakes. Ang Fuji Five Lakes ay marahil mas maganda kaysa sa Hakone pagdating sa sakura, at dalawang sa mga pinakamahusay na mga spot ay sa hilagang baybayin ng Lake Kawaguchiko at ang Chureito Pagdo, na binuo sa mga burol ng Fujiyoshida City.
-
Philosopher’s Path, Kyoto
Ang Philosopher’s Path sa Kyoto ay isang stoned walkway na sinusundan ng isang kanal sa pamamagitan ng hilagang bahagi ng Higashiyama district ng lungsod. Ito ay nakakakuha ng pangalan nito mula sa isang partikular na pilosopo na si – Nishida Kitaro – na kung saan ay sya umano ang nakaimbento o nakadiscover ng lugar na sinasabing ginamit umano nya para pagmumuni-muni habang patungo sa Kyoto University. Ang path na ito ay tumatakbo ng may dalawang kilometro at pati na rin ang maraming restaurant, cafe at tindahan nito ay nakalinya ang lahat patungo sa mga puno ng cherry blossoms.
-
Kenrokuen Hardin, Kanazawa
Kinikilala bilang isa sa mga pinakamataas na tatlong mga landscape na hardin sa Japan, Kenrokuen Garden sa Kanazawa ay isang magandang lugar para sa pagbisita sa anumang oras ng taon – ngunit lalo na kung ito ay itataon sa panahon ng pamumulaklak ng cherry blossoms tree. Ang hardin ay sobrang lawak at laki kung kaya’t kinakailangan mong gumugol ng ilang oras upang libutin lamang ito, at sa oras ng pagsasara kung iyong pakikinggan ay maririnig mo ang tinig ni InsideJapan Richard Farmer sa loudspeaker na magalang na humihiling sa lahat ng pagpapaalala ng oras na ng pagsasara.
-
Miharu Takizakura
Miharu Takizakura, (lit. “Waterfall cherry tree ng Miharu”) ay matatagpuan malapit sa maliit na bayan ng Miharu sa Fukushima Prefecture, sa hilagang Tohoku rehiyon ng Honshu pangunahing isla ng Japan. Higit sa isang libong taon gulang, 12 metro ang taas at may isang puno ng kahoy na ang circumference ay nasa tinatayang 9.5 metro, ito na marahil ang pinakamalaking puno ng cherry blossom at marahil ay pinaka-tanyag na puno sa buong Japan.
-
Hirosaki Castle, Hirosaki
Mulahuling araw ng Abril sa bawat taon, ang parke sa paligid ng Hirosaki Castle ay nagta-transform sa isang mistulang pink wonderland na may higit sa 2,500 puno ng cherry blossoms, ang tunnels ay hitik na hitik sa bulaklak ng sakura, sa gabi naman ay ang illuminations, ang mga picnic areas na may napakagandang tanawin ng mga puno at rental boats na napakagandang Kombinasyon upang lumikha ng isang tunay na hindi malilimutang hanami experience. Kung ang nakatakdang araw ng iyong pagbisita ay sa pagitan ng Abril 23 at May 5, magkakaroon ka rin ng pagkakataong masaksihan ang Hirosaki cherry blossom festival. Ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamataas sa tatlong mga cherry blossom viewing spot sa kabuuan ng Japan.
-
Hanamiyama Park, Fukushima
Ang isa pang entry mula sa hilagang Tohoku region ng Japan, Hanamiyama Park (“flower viewing mountain”) ay namamalagi sa mga slope na nakapalibot sa isang lugar ng komunidad sa pagsasaka sa Fukushima Prefecture. Ang parke ay nagsimula sa mga lokal na magsasaka na nagsimulang magtanim ng mga ornamental plants at mga puno sa lugar, ito ay binuksan sa publiko sa taon ng 1959. Ang iba’t ibang mga uri ng mga puno ng cherry blossoms at iba pang mga puno na namumulaklak ay nangangahulugan na may mga tunay na isang malawak na hanay ng mga kulay ng spring sa lugar, na may magagandang tanawin ng Azuma Mountains sa kalayuan.
-
Takato Castle Ruins, Nagano
Ang pinakahuli ngunit tiyak na hindi mawawala sa listahan ay ang Takato Castle Ruins Park sa Nagano Prefecture, ang huli sa mga opisyal na tatlong nangungunang mga spot ng cherry blossoms sa Japan (kasama ang Mount Yoshino at Hirosaki Castle). Matatagpuan sa isang burol sa Ina City, Nagano, ang parke ay nasa 60 km mula sa Matsumoto (kung saan ang “Black Crow” Castle ay nagbibigay din ng isang mahusay na lokasyon para hanami). Bisitahin ang lugar na ito sa panahon ng buwan ng Abril upang makahanap ka ng Yatai stalls na nakaset-up ang lahat sa paligid ng park para sa taunang cherry blossom festival, na may magagandang illuminations na gaganapin tuwing gabi mula paglubog ng araw hanggang 10pm.
source:insidejapantours
You must be logged in to post a comment.