China and Philippines discuss rising tensions
Sinabi ng China na hinimok ni Foreign Minister Wang Yi ang Pilipinas na kumilos nang maingat sa kanilang sigalot sa South China Sea. Sa isang tawag sa telepono, nagbabala rin umano siya laban sa sinasabing pakikialam sa ugnayan ng dalawang bansa.
Inilarawan ni Philippine Foreign Secretary Theresa Lazaro ang pag-uusap nila noong Martes ng gabi bilang “prangka at nakabubuo.” Ayon sa post niya sa X, binigyang-diin ng magkabilang panig ang patuloy na diplomatikong pag-uusap at maayos na pamamahala sa kanilang mga pagkakaiba, batay sa paggalang sa isa’t isa.
May magkakapatong na pag-aangkin ang China at Pilipinas sa South China Sea. Nitong mga nakaraang taon, nauwi ang tensiyon sa mga sagupaan ng mga marino at banggaan ng mga sasakyang-pandagat ng hukbong-dagat.
Source: Kyodo News / Larawan: Illustrative Photo
