International

China criticizes Japan-Philippines security alliance

Kinondena ni Guo Jiakun, deputy spokesperson ng Ministry of Foreign Affairs ng China, nitong Martes (ika-30) ang lumalalim na ugnayan sa larangan ng seguridad sa pagitan ng Japan at Pilipinas. Sa isang press conference, sinabi ni Guo na “tumututol ang China sa pagbuo ng mga alyansang nagpapalala sa tensyon sa rehiyon,” na tumutukoy sa kasunduang nilagdaan nina Prime Minister Shigeru Ishiba ng Japan at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas para palawakin ang kooperasyon sa seguridad.

Ang pahayag ng China ay kasunod ng pagbisita ni Ishiba sa Vietnam, kung saan nagkasundo rin ang dalawang bansa na paigtingin ang seguridad bilang hakbang upang hadlangan ang lumalawak na impluwensiya ng Beijing sa rehiyon. Patuloy rin ang diplomasya ng China sa mga bansang Timog-Silangang Asya, na pinangungunahan ni Pangulong Xi Jinping sa pamamagitan ng mga pagbisita at panawagan na labanan ang presyur mula sa Estados Unidos.

Iginiit ni Guo ang karapatan ng China sa South China Sea at East China Sea, na aniya ay “nabuo sa takbo ng kasaysayan.” Hinikayat rin niya ang Japan na “maging maingat sa mga hakbang na may kinalaman sa seguridad.”

Source / Larawan: Kyodo

To Top