CHINA: Epektibong Gamot kontra Coronavirus
Sinabi ng Komisyon sa Kalusugan ng China sa isang News conference na sinusubukan nila ang mga bagong paraan sa paggamot upang mapagaling ang mga pasyente na nahawahan ng bagong coronavirus.
Ang nageexist na mga gamot sa malaria ay inaalok sa mga nahawaang pasyente at kapansin-pansin daw ang mga resulta.
Ang pag-gagamot ay isinagawa sa higit sa 100 na mga nahawaang pasyente at nakikita ang pagpapabuti sa mga sintomas. Walang kaso ng mga komplikasyon pagkatapos gamitin ang gamot.
Ang isa sa mga pasyenteng nasa edad 54 taong gulang na nahawahan ay naiulat na sumailalim sa paggamot na ito sa loob ng isang linggo at negatibo ang resulta ng pagsubok para sa bagong coronavirus.
Para sa kadahilanang ito, inihayag ng Komisyon sa Kalusugan ng Tsina na ang epekto ng pag-gamot ay malinaw at nilalayon na palawakin ang gamot sa mga institusyong medikal sa buong bansa.
Ang isa pang paggamot na inilalapat at nakakuha ng magagandang resulta ay ang pagsasalin ng plasma ng dugo mula sa mga taong nahawahan ng virus at gumaling na upang gamutin ang mga pasyenteng kasalukuyang nakikipaglaban pa rin sa impeksyon.
Ang plasma ng dating mga pasyente na nahawahan ng coronavirus ay naglalaman na ng mga antibodies na maaaring mabawasan ang epekto ng virus sa mga pasyente na may sakit na kritikal.
Ang pamamaraan ay nakikita bilang isang solusyon habang ang mga laboratoryo sa parmasyutiko ay naghahanap pa rin ng tamang pang-lunas upang makabuo ng isang bakuna laban sa virus.
Ang paggamot sa Plasma ay isinagawa sa 11 mga pasyente na may sakit na kritikal at ang isa sa mga ito ay nakarecover ng tuluyan at gumaling.
Ang natitirang bahagi ng pangkat ay nagpakita ng magandang improvement sa mga sintomas.
Source: NHK News
You must be logged in to post a comment.