General

Chinese spy ship entered Japan waters: Tokyo

TOKYO, Japan – Isang Chinese Spy Ship ang pumasok sa teritoryo ng Japan kahapon nitong Miyerkules.

Ayon sa mga opisyal ng Tokyo, hindi pa nakakalipas ang isang linggo isang Chinese naval vessels din ang namataang pumasok sa teritoryo na malapit sa mga isla ng Japan.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng gobyerno ng Hapon na si Hiroshige Seiko, namataan ng Japanase Navy P-3C surveillance ang Chinese vessel sa layong 6,096-ton malapit sa Kuchinoerabu island sa katimugang Japan sa ganap na 3:30 ng umaga (1830 GMT ng Martes).

Sa pagpasok nito sa teritoryo ng Hapon, nilabag ng mga Intsik ang 12-nautical mile band at ito ang unang pagkakataon na may isang Chinese Navy Ship ang lumapit ng husto sa mga isla na pag-aari ng Japan.

Samantala ayon sa mga intsik, hindi nila kinikilala ang sinasabing isla na pag-aari ng bansang Hapon na ang tinatawag nilang Senkaku at Diaoyu naman ang tawag nila sa Tsina. Aniya pa ng gobyerno ng mga Intsik, may karapatan ang mga mamamayan nito na malayang makapaglayag sa mga karagatan na sinasabing pag-mamay-ari nila.

Sinasabi sa International Laws na lahat ng sasakyang pandagat ay may kalayaang dumaan sa kahit saan mang teritoryo ng anumang bansa dahil sa pagsasagawa nila ng “right of innocent passage”.

Ang relation ng Hapon at mga Intsik ay nasira na simula noong taong 2012 nang pormal na sinarili ng bansang Japan ang mga hindi pa natitirhang mga isla nito. At isang Chinese nuclear submarine naman ang pumasok sa karagatan ng Hapon noong taong 2004.

Samantala, naging tahimik at kalamado naman ngayon ang naging pag-tugon ng bansang Hapon sa paglabag muli ng mga Intsik, ngunit, ipinaparating ng pamahalaan ang tungkol sa pangkalahatang alalahanin sa gawain ng mga Intsik na pang-militar, ayon pa kay Seiko.

“Ang pamahalaan ay hindi titigil sa pagbabantay sa teritoryo nito sa panghimpapawid man o sa karagatan na pagmamay-ari ng bansa”, dagdag pa niya.

SOURCES: ABS CBN NEWS, ANN NEWS, YOUTUBE.

 

To Top