Isang Chinese National na may edad 28 anyos ang inaresto noong May 11, matapos magbenta umano sa kanyang tinitirahan ng mga japan made pharmaceuticals ng walang kaukulang dokumento at permit sa isang kapwa Chinese na nagbabakasyon lamang sa Japan. Nahuli ang suspek sa kanyang apartment sa Tokyo at sa loob ng kanyang bahay ay may natagpuang nasa humigit kumulang 69 types ng iba’t ibang produkto na nasa 28,000 units ang total. Ayon sa suspek, kinokontak lang sya ng mga kapwa Chinese para sa mga items na kanya namang dinideliver sa mga hotel or sa international airports ng japan. Tinatayang nagkakahalaga ang lahat ng nakumpiskang produkto ng humigit kumulang ¥ 10,000,000. o 10 Milyong yen.
Source: ANN News
#Japinoy #Japinonet