Papalapit ng papalapit ang kapaskuhan ngunit handa ka na ba para dito? Hindi natin kailangan ang napaka-bonggang handaan. Lagi nating tandaan na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang ating pagmamahalan at ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus. Subalit pagkakataon rin ito upang magkita ang mga magkaka-pamilyang nawalay sa isa’t-isa. Parte ng pagtitipon ay ang pagsasalo-salo sa hapag-kainan sa hapunan bago sumapit ang Pasko o ang Christmas eve dinner meal.
Christmas Chicken Campaign ng KFC
Ang Pasko sa Pinas ay isang napakahalagang tradisyon, pero sa Japan isa lamang itong simpleng araw para sa karamihan. Sa araw na ito, may isang tradisyon patungkol sa fried chicken. Noong 1974, sinimulan ng Kentucky Fried Chicken o KFC ang “Christmas Chicken” campaign. Nung mga panahong iyon, may mga foreigners na naghahanap ng turkey sa Japan at ito ay kanilang natagpuan sa KFC. Naging patok ang pakulong ito ng Japan.
Sa ngayon, nagbebenta ang KFC ng kumpletong hapunan para sa Christmas eve dinner na may kasamang chicken, wine, cake and champagne sa murang halaga. Para mabili ito, ikaw ay kinakailangang magpa-reserved ng maaga dahil madali itong maubos, lalo na sa panahon ng kapaskuhan. Sa Pilipinas, ang daming pagkaing inihahain sa panahon ng kapaskuhan. Karamihan dito ay mga lutong bahay na pagkain.
Christmas Cake
Narinig niyo naba ang Christmas Cake? Ilan sa mga Hapon ay kinakain ito tuwing Media Noche. Isa itong sponge cake na may dekorasyong strawberries o iba pang prutas o dili kaya ay chocolates sa ibabaw. Ito ay sadyang katakam-takam. Kahit saang sulok ng mundo, hindi mawawala ang mga pagkaing pinatamis ng panahon tulad ng cakes. Sa Pilipinas, mas naka-ugalian ang fruit cake or kaya ay moon cake.
Dahil sa presensya ng ilang mga Pinoy sa Japan, lalo na ang mga Pinay na nakapangasawa ng Hapon, unti-unti ng nagiging katulad ng Pilipinas ang Pasko ng mga Japanese lalo na sa paghahanda ng Christmas eve dinner meal.
image credit: star5112/Flickr