General

Classical swine fever infection: 5,400 na baboy sa Gunma planong katayin upang maiwasan ang pagkalat

Kasunod sa pagkakatuklas na may mga nagpositibo sa mga baboy sa isang pig farm sa Takasaki City, Gunma Prefecture ng nakakahawang sakit na Classical swine fever infection noong ika-26, nagsimulang katayin ang  ilan sa halos 5,400 na mga baboy sa farm upang maiwasan pa ang pagkakahawa at pagkalat ng viral disease na ito. Ang Gunma Prefecture ay nagsagawa ng pagpupulong mula alas-10 ng umaga noong ika-27, kasunod ng pagpupulong na ginanap noong hatinggabi ng ika-26, upang talakayin ang mga hakbang sa hinaharap para dito. Sa pig farm kung saan natagpuan ang mga nahawahan na baboy, nagsimula ang pagkatay dakong alas-9 ng gabi noong ika-26, at nagsimula naman ang mga staff na may suot na puting damit na pang-proteksiyon na magtrabaho sa ika-27. Sa pagsapit ng ika-29, plano nilang patayin ang halos 5,400 na mga hayop na nasa pig farm.

Ayon kay Gobernador Yamamoto, “Ang Classical swine fever infection ay hindi nakakaapekto sa mga tao, at ang mga nahawahan na baboy ay hindi na pinahihintulutan pang makalabas sa merkado,”  pagtutuunan ng Gobernador ng pansin ang suliraning ito at nais niyang maresolba ito sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang pinsala sa reputasyon.

Source: ANN NEWS

To Top