“Clinical Trial” ng covid-19 vaccine sa Thailand sa mga unggoy, may positibong resulta
Ang resulta ng development sa clinical trials ng coronavirus vaccine sa mga unggoy ay nailathala na. Isang research team mula sa National University of Thailand ang nag-anunsyo na ang kasalukuyan nilang dinidevelop na coronavirus vaccine ay nauna ng sinubukan sa mga unggoy at nagpakita ito ng sapat na ebidensya na ito ay may positibong epekto laban sa virus. Ang research team ay nagpa-planong umpisahan ang clinical trial naman nito sa mga tao simula sa October. Sa susunod na taon target nilang makapagsupply ng 10 milyong doses ng vaccine na ito sa Thailand na nagkakahalaga ng THB 3,400 per dose.
Source: ANN News