Culture

Coconut Festival sa San Pablo, Laguna at Coconut Honey Rice Pudding

Coconut Festival

Ang makasaysayang Coconut Festival sa Pilipinas ay isang mahalagang bahagi ng kultura sa San Pablo, Laguna bilang pagmamahal at pagpupugay kay Saint Paul, the Hermit. Ito ay ipinagdiriwang tuwing una hanggang ikalawang Linggo ng Enero, taun-taon. Para sa mga taga San Pablo, ito rin ay  tinatawag na Coco Fest at ginaganap tuwing January 15 ng  bawat taon.

Bahagi ng pagdiriwang na ito ay ang  mga sumusunod bago sumapit ang takdang araw ng makulay na pista:

  • Street dancing
  • Street concerts at iba’t-ibang nightly programs
  • Kabilang din dito ay ang “Mutya at Lakan ng San Pablo.”

Sa makabuluhang okasyong ito, ang mga katabing nayon at mga dayuhan ay nakikisaya rin naman sa paggunita ng isang masarap at kaayaayang Coconut Festival.  Alam nyo ba na ito ay ginawaran ng parangal ng Association of Tourism Officers of the Philippines at Department of Tourism bilang “Best Tourism Event” para sa Festival category?

Image: Joselu Blanco/Flickr

Image: Joselu Blanco/Flickr

Coconut Honey Rice Pudding

Hindi  kumpleto ang Coco Festival kung di natin ito sasamahan ng katakam-takam na Coconut Honey Rice Pudding with a Japanese Twist. Paano ang paggawa nito? Ito ang mga  simpleng paraan na dapat nating sundin.

Mga Sangkap

  • 1-3/4 tasa ng coconut milk
  • 1-1/2 tasa ng soy milk
  • 1/2 cup Japanese rice
  • 2 kutsarang granulated sugar
  • 1-1/2 kutsaritang vanilla extract
  • 1 kurot na asin
  • 3 kutsarang ng clover honey at maraming drizzling

Paraan ng Paggawa

  1. Paghalu-haluin ang mga sumusunod: Coconut milk, soy milk, rice, sugar, vanilla at asin sa isang heavy bottomed medium-sized saucepan.
  2. Painitan ang mixture sa medium- high heat. Kapag ito ay kumulo na, bawasan ang apoy at isimmer ninyo ng ilang minutes. Haluin ng madalas hanggang sa maging  tender na ang kanin at sipsipin na ang liquid nito.
  3. Alisin ang saucepan sa apoy at haluan ng honey. Palamigin ang masarap na Coconut Honey Rice Pudding sa loob ng limang minuto. Hatiin ito sa ilang tasa at lagyan ng honey bilang drizzle at ready to serve na.

image credit: Badr Naseem/Flickr

To Top