Maniniwala ba kayo na ang isang payak na kahon ng gatas ay magsisilbing tahanan ng isang mayamang pamilya sa Hiroshima? Ito ay matatagpuan sa sa isang non-descript country town ng Mirasaka, na napapalibutan ng mga bukirin at low-rise houses. Nang ito’y kanilang itayo, nagsilbi itong malapistang tourist attraction para sa lahat. Ito ay hango sa estilo ng isang Daily Milk. Bagamat ito ay halaw sa karton ng gatas, ang istruktura ay walang kapantay ang kagandahan kaya’t ito’y tunay na agaw pansin sa mga kahilera nitong bahay.
Ang milk carton building na ito ay may milk store na siyang pangunahing supplier ng gatas sa kanilang mga kapitbahay. Ayon sa mga nakarating na rito, ito ay nakatayo na sa Hiroshima ng may humigit kumulang tatlong dekada na. Bilang isang tourist attraction, maaaring bisitahinn ito tuwing ala-sais ng umaga hanggang gabi sa ganoon ring oras. Tunay hindi matatawaran ang talento ng sinumang gumawa nito sapagkat inilalarawan ng kanyang obra ang iba’t-ibang anyo ng human creativity na sadyang kamangha mangha.
Hindi man masukat at maarok ang imahinasyon ng gumawa nito, kaakibat naman nito ang masidhing pagnanais nito na maipakita sa buong mundo na ang tao ay sadyang malawak ang imahinasyon na naaayon sa kalikasan, kultura at mga pananaw ukol sa kung paano makalilikha ng isang sangkap ng cultural heritage na pang matagalan at kagilagilalas.
Mahalaga ang ganitong uri ng art sapagkat ito ay sumasalamin na di mahalaga ang katayuan ng isang tao sa lipunan. Mahirap man o mayaman, maaaring maging inspirasyon upang mapaunlad ang sarili. Ang milk carton house ay makulay tulad ng sa ating sariling paglalakbay sa buhay. Sa sarap naman ng gatas, mahihinuhang ang tagumpay ay tunay matamis kung ito ay tunay na pinaghirapan at may mabuting hangarin para sa lahat.
Image sources:
@namabayashi on Instagram
@zou_da_zou on Twitter