Ang sexual slavery ay isa sa mga karumal-dumal na social problems noong World War II. Ito ay isang uri ng pagyurak sa pagkatao at puri ng mga babae na kung tawagin ay comfort women. Sila ang mga biktima ng mga Japanese Imperial Army sa mga occupied territories tulad ng Korea, China, Burma, Vietnam, Thailand, Pilipinas at iba pang mga bansa. Ayon sa kasaysayan, ang mga prostitutes ay may kabuuang bilang na hindi bababa sa 20,000. Sa kalaunan, ang bilang na ito ay lumago na sa 410,000.
How the Concept of Comfort Women all Started
Paano nga ba nagiging biktima ng sexual slavery ang isang babae? Nasusulat sa pahina ng kasaysayan na ang mga biktima ng pang-aabusong sekswal ay kinikidnap sa kanilang mga bahay. Sila rin ay pinangakuan ng trabaho sa mga pabrika at pangunahing restaurants sa Japan.
Kapag sila’y napapayag na upang magkaroon ng isang marangal na hanapbuhay, kabaligtaran naman ito ng kanilang inaaasahan. Ang mga walang kamuwangmuwang na kababaihan ay ikinukulong sa mga comfort stations sa Japan, maging sa ibang bansa. Sa kabilang dako, mayroon ring mga magulang na sadyang itinutulak ang kanilang anak na maging prostitute.
Comfort Stations
Sa pagtatatag ng comfort stations, pinaniwala ng mga Hapones na ang mga ito ay isa sa mga epektibong pamamaraan upang maiwasan ang insidente ng rape noong nga panahong iyon. Ngunit, ang pagkakaroon ng organized prostitution upang buong lugod na pagsilbihan ang Japanese Armed Forces ay sadyang malaking palaisipan para sa lahat.
Alam ba ninyo na ang kauna-unahang comfort station ay itinayo sa Shanghai noong 1932 sa pamamagitan ng isang Japanese concession?
Comfort Women for Hire
Samantala may mga comfort women na inuupahan ng mga Hapones sa pamamagitan ng mga middlemen. Ito ay ginagamitan ng isang proseso na tinatawag na conventional advertising lalong lalo na sa mga urban areas. Maraming taon na ang lumipas bago tumugon ang Ministry of Foreign Affairs ng Japan upang tuluyan nang masugpo ang sexual slavery sa bansa.
Mahigpit na ipinagbawal ang pagbibigay ng visa sa mga kababaihan. Ang ganitong hakbang ay lubhang kailangang ipatupad upang di tuluyang masira ang magandang imahe ng Japanese Empire sa mata ng buong daigdig.
Sa kasamaang palad, ang comfort women for hire at sexual slavery ay nagpatuloy hanggang sa huling yugto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Image by Lemon A E (Sergeant), No 9 Army Film & Photographic Unit [Public domain], via Wikimedia Commons