News

COMMANDO OPERATION TO FREE BANGLADESH HOSTAGES

Isang video ng commando operation ng Bangladesh na nakikipaglaban sa mga hostage takers at pumatay sa 20 katao sa isang cafe sa Dhaka ang kumakalat ngayon sa social media.

Isang mamamayan ng South Korea na si DK Hwang ang kumuha at nag-share ng video sa kanyang facebook ang kumalat at nai-share nang libong beses.

Sa isang media briefing, sinabi ng tagapagsalita ng army, ang commando operation ay nag-umpisa ng 7:40 ng umaga kahapon araw ng Sabado at nakontrol nila ang sitwasyon bandang 8:30.

Ang bansang Bangladesh ay nagluksa kaninang umaga sa mga biktima ng isa sa mga pinak-madugong hostage crisis sa bansa.

Ang Prime Minister ng Bangladesh na si Sheikh Hasina, ay nag-deklara ng dalawang araw ng pagluluksa magmula ngayong araw ng Linggo. Ito ay upang makapag-bigay ng huling respeto sa mga biktima, na tinawag niyang “Militant Attack”.

Siyam ng Italyano, pitong Hapones, dalawang Bangladesi-Amerikano at isang Indiyanong babae ang napatay sa pag-atake sa kanila sa isang Spanish restaurant sa Dhaka na popular sa mga foreigners.

Pitong kalalakihan na armado ng mga patalim, baril at bomba ang mga salarin na pumatay din ng dalawang pulis ng Bangladesh. 

Panoorin ang sinasabing video na kumalat sa social media na patungkol sa balitang ito.

SOURCE: YOUTUBE, TANKLER

#Japinonet #Japinoy

https://youtu.be/uMM8PqhGoQs

To Top