Corona Virus: kumpirmado kumakalat din sa pamamagitan ng hangin
Ang itinuturing na nakamamatay na coronavirus ay isang airborne disease, isang opisyal ng Shanghai ang nagkumpirma.
Noong Sabado ay inihayag na ang virus ay maaari na ngayong kumalat sa pamamagitan ng “aerosol” – o sa pamamagitan ng hangin para sa isang pinalawig na oras at maging sanhi ng impeksyon kung huminga.
“Ang tinatawag na Aerosol ay tumutukoy sa paghahalo ng virus sa mga particles sa hangin upang mabuo ang mga aerosol na nagiging sanhi ng impeksyon pagkatapos ng paglanghap ng hangin na kontaminado,” ang pinuno ng Shanghai Civil Affairs Bureau na si Zeng Qun ay sinipi ayon sa China Daily.
“Tulad ng panawagan namin sa publiko na itaas ang kanilang awareness and precautions para sa pag-iwas at pagkontrol ng sakit na kumalat pa.”
Hinihikayat ng gobyerno ng China ang mga residente na kanselahin ang lahat ng mga gawaing panlipunan at maiwasan ang malaking pagtitipon ng mga tao, ulat ng China Daily.
Kaugnay na Balita
Sa loob ng kampong quarantine ng Whangaparāoa coronavirus.
Ang nangungunang koponan ng World Health Organization sa Tsina naatasan upang siyasatin ng mas mabuti ang anumang detalye patungkol sa coronavirus
Ang pagkakatuklas ng sakit na maaring makuha na rin sa hangin ay nangangahulugang ang coronavirus ay mayroon na ngayong tatlong klase ng transmission.
Ang direct contact ay nangyayari kapag ang isang tao ay humihinga ng hangin malapit sa isang nahawahan na tao na umuubo o bumabahing.
Ang delivery of contact naman ay kapag ang isang tao ay humawak sa isang kontaminadong bagay pagkatapos ay hahawak sa kanilang bibig, mata o ilong ng hindi nagaalcohol o naghuhugas ng kamay.
Ang Coronavirus ay nagumpisa sa lungsod ng Wuhan sa lalawigan ng Hubei ng China noong huling bahagi ng Disyembre. Ipinagpapalagay ng karamihan na maaring nagmula ito sa isang live market, ang sakit ay nagiging sanhi ng lagnat, pag-ubo at hirap sa paghinga. Sa mga malubhang kaso maaari itong maging sanhi ng pulmonya at organ failure.
Ang virus ay pumatay ng higit sa 1000 katao at nahawa ang 43,000 sa buong mundo.
Dalawang tao lamang ang namatay sa labas ng mainland China – isa sa Hong Kong at isa pa sa Pilipinas at maaaring tumaas pa sa mga susunod na araw.