CORONA VIRUS sa AICHI
CORONA VIRUS: Nakumpirma sa Aichi ken
Ang bagong coronavirus ay patuloy na kumalat at ang unang kaso sa Aichi ken Japan, ay nakumpirmado.
Mahigit sa 2,000 katao ang nahawahan ng pneumonia na sanhi ng virus sa buong mundo at 56 ang namatay. Sa Japan, ang ika-apat na impeksyon ay nakumpirma sa Aichi Prefecture.
Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, ang pasyente ay isang Intsik na tao idad 40’s na nakatira sa Wuhan, China.
“Dumating ito sa Japan bilang turista noong ika-22, at lumabas ang mga sintomas ng lagnat sa sunod na araw.”
Ang isang institusyong medikal sa Aichi Prefecture ay nag-diagnose ng pneumonia ng 24 ng Enero at ang impeksyon ay nakumpirma ng 26 ng Enero.Sa
Kahit may lagnat,stable naman ang kondisyon.
Ang mga kasamang nyang turista ay wala naman sintomas hanggang ngayon.
Sa Japan, 13 ka tao ang nagawang suriin 4 ang naging positibo sa ngayon.
Pinagmulan: ANN News