General

Coronavirus update:

Patuloy ang kaso ng mga nahahawahan at mga namamatay nang dahil sa coronavirus  magpasahanggang ngayon. Halos buong Japan ang apektado sa patuloy na pagkalat nito.

Ang mga trabaho ng mga taong positibong nahawahan kadalasan ay: JR staff, mga Guro, school drivers, bus drivers, taxi driver, caterer, office worker atbp.  Kadalasan ngayon ay konti nalang ang makikita mo sa galaan dahil na rin sa banta ng coronavirus sa kalusugan…

Apektado rin ang Kasumigaseki sa pagkalat ng Covid-19 tulad na lang din ng mga kaso ng nagpositibo sa mga teleworking companies tulad ng NTT, NEC, at Mercari.

Sa kabilang banda, isa isang nagkakansela ang mga pagtitipon dahil na rin sa pangamba ng pagkalat ng virus. Isa na rito ang Nissan Motor na nagbago ng kanilang presentation para sa launching ng mga bago nilang modelo sa pamamagitan ng internet. Tinatanggap nila ang mga katanungan ng mga reporters thru internet at isa isang sinasagot thru emails.

Mahalaga rin ang usaping ito para sa gaganaping pangalawang paglilitis para sa National University na kung saan inaasahang nasa 440,000 nationwide na katao ang kukuha nito. Ayon naman sa head ng mga unibersidad, nakahanda naman sila sakaling may mga estudyante silang masama ang pakiramdam ko kaya naman ay may mga positibong nahawahan.

Sa University of Tokyo ipinagbabawal umanong kumuha ng exam ang sinuman na positibong nahawahan ng virus at wla ring kahit anung paunang lunas na available o kaya naman ay follow up exams. Ngunit ang ibang unibersidad naman ay nilalawakan ang pangunawa para sa resulta ng examination depende nalang kung masama ang pakiramdam sa pagkuha nito o kaya naman ay hindi nakapagexam dahil sa virus.

Samantala sa Aibetsu-cho, Hokkaido, isang lalaking school bus driver naman ang nagpositibo sa virus. Sinimulang i-disinfect ang mga bus at pansamantalang isinara ang ilang paaralan na iniikutan ng route ng bus driver kabilang na ang kindergarten, elementary at junior highschools.

Samantala sa Ebetsu, Hokkaido, isang babaeng lunch caterer ang nagpositibo kaya’t dinisinfect din ng elementary school ng 2 araw at pansamantalang nirelieve muna sa trabaho ang nasabeng babae.

Source: Youtube

To Top