Health

CORONAVIRUS: Bagong Kaso ng Corona sa AICHI

CORONAVIRUS: Bagong Kaso ng Corona sa AICHI
Inihayag ng Mitsubishi UFJ Bank ngayong araw na ang isang empleyado na nagtatrabaho sa branch ng Konan sa lungsod ng Konan, Aichi Prefecture, ay positibong nahawahan ng COVID-19. Siya ay nagkaroon ng lagnat na higit sa 38 degree noong ika-25 ng Pebrero at sumangguni sa isang institusyong medikal. Kinabukasan, positibo ang resulta.
Ang bangko kasama ang lokal na institusyong pangkalusugan ay gumagawa ngparaan para malaman at makilala ang mga tao na nakipag-ugnay sa lalaki. Inumpsahan nila ito sa 10 mga tao na nakasama ng nahawaang empleyado. Ang mga taong pinaghihinalaang ng impeksyon ay ihihiwalay sa kanilang mga tahanan para maiwasan pa ang pagkahawa.
Source: Asahi News

To Top