CORONAVIRUS: Mayroon ng lunas?

Ayon sa isang treatment team inireport nilang 3 pasyente umano ang gumaling mga sintomas ng COVID-19 gamit ang “ciclesonide”, isang uri ng gamot na ginagamit para sa mga pasyenteng may asthmatic bronchitis.
Naitala sa report na ang treatment team sa Ashigara -kami Hospital sa Kanigawa prefecture, ay ginamit ang naturang gamot upang obserbahan sa 3 pasahero ng cruise ship at diumano ay maganda ang resulta nito hanggang sa sila ay madischarged.
Isang 73-anyos na pasyente rin ang nakarecover at nadischarged matapos ang 2 araw dahil nagnegatibo ito sa virus test.
Source: ANN News
