Health

CORONAVIRUS: Mga apektado sa Aichi

Nakarating na sa syudad ng Okazaki sa Aichi Prefecture ngayong araw ganap na alas 2:15 ng madaling araw ang ibang pasaherong nahawahan ng sa cruise ship ng “Diamond Princess”.
32 pasahero ang lulan ng bus. 24 rito ay walang sintomas ngunit kumpirmadong positibo at ang 8 naman ay family members nito.
Ang Okazaki medical center sa Fujita Medical University na nakatakdang magbukas sa Abril nitong taon ang napiling pagdalahan para maobserbahan ang mga pasyente at maisolate.
Isang general meeting naman ang isasagawa para sa seguridad at kaligtasan ng mga tao sa nasabing lugar upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa lugar.
Isa sa kritisismo para sa ilulunsad na general meeting ang pagkaklaripika na sana raw ay mas inagahan ang pagiiskedyul nito kaysa unahin ang mga primary schools na malapit sa lugar.


Source: ANN News

To Top