Coronavirus: Mga nahawahan umakyat na sa 10 milyon ang bilang sa buong mundo
Lagpas na sa 10 milyon tao sa buong mundo ang nahawa sa coronavirus. Ayon sa statistics mula sa Johns Hopkins University sa United States, ganap na alas 7 ng gabi Japan Time, noong ika-28 ng buwang ito, ang kabuuang bilang ng mga infected na tao sa buong mundo ay nasa 10,00,1527. Ang US ang may pinakamataas na bilang sa kaso ng mga positibo sa covid, nasa 2.5 M ang positibo at higit 125,000 na ang namamatay. Ang mataas na bilang ay mapapansin sa mga lugar kung saan agarang nanumbalik sa normal ang economic activity, mainly sa southern at western parts. Pumapangalawa naman ang Brazil na may bilang na 1.3 M kaso ng positibo at 57,000 na naitatalang namamatay.
https://youtu.be/0qYuAG89xuo
Source: ANN News