CORONAVIRUS: Mula sa tao naipapasa na rin sa mga hayop
Unang kaso ng pagkahawa ang nadiskubre sa isang hayop.
Ang Hongkong government ay inereport na ang isang pet dog ng isang babaeng positibo sa coronavirus ay nagpositibo rin.
Tanging ang babae lamang na nasa edad 60’s at ang alaga nitong aso ang naninirahan sa kanyang bahay matapos mahawahan ng virus, dinala ang alaga nito sa isang animal quarantine shelter noong ika-25 ng nakaraang buwan.
Ilang tests ang isinagawa sa alaga nitong aso mula Feb.26-March 2, ngunit ang resulta ay positibo at hindi katulad ng sa tao.
Wala pang nakikitang sintomas ng virus sa hayop ngunit mananatili ito sa quarantine hanggang sa magnegatibo ang mga resulta.
Matapos makumpirma ang kasong ito ng pagkahawa, pahayag ng mga eksperto, na ang SARS-Cov2 ay maaaring maipasa mula tao sa hayop ngunit posibleng wala itong makikitang sintomas.
Nagbabala naman ang gobyerno sa mga residenteng may alagang hayop na panatilihing malinis ang paligid, iwasan ang direktang paghawak dito kung sila ay maysakit at higit sa lahat ay wag silang abandonahin.
Ang pagiwas sa paraan ng pagkahawa sa mga hayop ay tulad rin ng sa tao, tulad halimbawa ng paglalage sa isang crowded at saradong lugar. Kung maysakit, gumamit ng mask at ugaliin ang paghuhugas ng mga kamay pag hahawak sa alaga.
Source: NHK News and Yahoo News
You must be logged in to post a comment.