Coronavirus mutation, may 1.7 na beses na lakas at bilis umanong makahawa
Isang variant ng bagong coronavirus strain na hanggang sa 1.7 beses na mas mabilis at lakas na makahawa ang nagdudulot ngayon ng alarma sa UK. Nagsimula ang virtual lockdown sa mga lugar tulad ng London. Ang kaguluhan ay kumakalat sa buong Europa. Isang mahabang linya sa London noong ika-20 ang nabuo patungo sa isang malaking supermarket. Maraming mga tao ang matiyagang naghihintay sa istasyon. Sa araw ding ito, ang antas ng alerto para sa bagong coronavirus ay itinaas sa “4” sa timog-silangan ng England, kabilang ang London. Bilang isang resulta, ipinagbabawal ang pagbubukas ng mga negosyo tulad ng mga department store, at ang paglabas-labas ay mahigpit na nililimitahan, na nagreresulta sa isang virtual lockdown. Maraming mga pasahero ang nagmamadaling sumakay sa mga pampublikong transportasyon sa takot na mastranded at maabutan ng lockdown ang mga ito. Nang dahil sa masusi at mahigpit na pagoobserba sa estado ng impeksyon at bayrus, nagresulta ito sa isang bagong natuklasan na pagkakaiba-iba ng coronavirus. Ayon sa pahayag ng Punong Ministro ng UK na si Johnson: Ang bagong mutation ng coronavirus ay maaaring hanggang sa 1.7 beses na mas nakahahawa.” Ano ang ibig sabihin ng 1.7 beses? Ang mga dalubhasa sa Britain ay nagpaliwanag na: Mas mabilis ang pagkalat ng bagong mutation ng coronavirus, at ang impeksyon ay higit na mas malakas. Sa mga virus, ang mga mutasyong ito ay nangyayari sa araw-araw.Gayunpaman, ang mga bansa sa Europa ay sensitibo. Inihayag din ng Italya, Alemanya at Belgian na pansamantalang sususpindihin nila ang mga biyahe ng eroplano mula sa United Kingdom. Sinabi ng France na ang riles na dumadaan sa Channel Tunnel ay titigil din mula sa ika-21. Gayunpaman Susuriin ng UK ang mga regulasyon sa ika-30 Samantala, angMinistry of Foreign Affairs ng Japan ay nagsalita noong hapon ng ika-21 tungkol sa balitang ito.
https://youtu.be/QzQ_ezR7sRk
Source: ANN NEWS