CORONAVIRUS: Nakumpirma sa GUNMA
Ang unang nakumpirma na kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Gunma. Isang guro sa kanyang mga forties sa isang kindergarten ay idineklara na positibo sa virus.
Ayon sa Gunma Prefecture, ang unang impeksyon ay nakumpirma sa lungsod ng Ota, at nasa malubhang kondisyon. Nagtatrabaho ang babae at nagsusuot ng mask noong nakaraang buwan at nagreklamo ng mga sintomas sa kalusugan noong ika-28. at sa ika-29, ay nilagnat ito ng 38 degree, pumunta siya upang magpacheck up sa isang institusyong medikal, ngunit nagkaroon ng negatibong resulta para sa trangkaso. Kahit na sa hindi magandang pisikal na kalagayan ay nagpatuloy siya sa trabaho, ngunit noong March 6 siya ay nasuri na may pneumonia at pagkatapos ng karagdaganf test para sa PCR (Ginamit upang makita ang COVID-19) ang kanyang impeksyon ay nakumpirma nang sumunod na araw, sa ngayon ito ang unang kaso sa lalawigan ng Gunma .
Sa kasalukuyan, ang kindergarten kung saan nagtatrabaho ang guro ay nakikipag-ugnay sa lahat ng mga magulang at pinaplano ang mga aksyon sa hinaharap. Sinusubaybayan ng pamahalaan ng lungsod ang kanilang mga pamilya.
Source: ANN News