Health

CORONAVIRUS: Toyota nagsara sa Aichi

Inanunsyo ng Toyota Motor Corporation na pansamantalang magsasara muna ang planta nito sa Aichi. Ito ang kauna-unahang factory sa Japan na magsasara nang dahil sa virus.
Isa sa empleyado nito na nasa edad 20’s ang nahawahan ng new coronavirus. Siya na ang pangalawang kasong matuturing sa parehong production line.
Sinuspinde naman ng Toyota ang operasyon sa factory upang idis-infect ito simula ngayong araw March 23 hanggang March 25.
Samantala, sa North America, lahat ng operasyon ng factories ay itinigil na at magsisimula nalang ulit sa April 3.

Source: ANN News

To Top