COVID-19 Close Contacts: Paano Sila Tinukoy at Kung Gaano Katagal ang Isolation
Ang close contact ay isang tao na naging malapit sa isang taong nahawaan ng COVID-19, o gumugol ng mahabang panahon malapit sa kanila. Sinabi ng Health authorities sa Japan na ang mga tao ay maaaring makahawa mula dalawang araw bago magkaroon ng mga sintomas hanggang 10 araw pagkatapos. Kung sila ay asymptomatic, maaari silang makahawa mula dalawang araw bago ang kanilang test hanggang pitong araw pagkatapos.
Sino ang Itinuturing na Close Contact
- Sinumang hindi nakasuot ng mask na humawak sa isang infected person o gumugugol ng hindi bababa sa 15 minuto sa abot ng isang kamay
- Sinumang humipo sa bodily fluid ng isang infected person
- Karaniwan, kasamang nakatira at nag-aalaga ng isang infected relative
Mga Kaso na Hindi Itinuturing na Close Contacts
- Kapag may stringent anti-infection measures sa isang lugar, tulad ng medical o senior care facilities
- Kahit na ang paggugol ng 15 minuto sa proximity ng isang infected person ay maaaring hindi mabibilang na may close contact. Sa huli, ang desisyon ay magdedepende sa iba’t ibang sitwasyon ng contact situation, tulad ng aktibidad at ng level of ventilation
Sino ang Magdedesisyon?
Ayon sa tuntunin, ang mga local healthcare center ay may pananagutan sa pagtukoy kung ang isang tao ay dapat ituring na close contact. Ngunit sa mga sitwasyon kung saan mabilis na kumakalat ang virus, maaaring pabilisin ng mga lokal na pamahalaan ang proseso sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga simpleng pamantayan para sundin ng mga tao.
Ang Osaka Prefecture, halimbawa, ay nagsasabing ang sinumang nakatira kasama ng taong nahawahan ay dapat na awtomatikong ituring ang kanilang sarili na isang close contact. Pinapayagan ang mga paaralan at kumpanya na tukuyin kung sinong mga mag-aaral o empleyado ang akma sa pamantayan. At ang mga nahawaang tao ay maaaring matukoy mismo kung ang iba ay kanilang close contacts.
Isolation Period
Ang health ministry ng Japan ay pinaikli ang isolation period ng close contact mula 14 days to seven, batay sa latest scientific knowledge tungkol sa incubation period ng Omicron variant. Ang araw ng pakikipag-ugnayan sa isang infected person ay itinakda bilang day zero. Simula sa susunod na araw, ang close contact ay dapat na mag-isolate sa bahay sa loob ng pitong araw.
Kung ang taong nahawahan ay bahagi ng parehong sambahayan, ang day zero ay ang araw na nagkaroon ng mga sintomas ang tao, ang araw ng kanilang test kung sila ay asymptomatic, o ang unang araw ng pagpapatupad ng anti-infection measures—alinman ang pinakabago. Kung ang isa pang miyembro ng sambahayan ay nahawahan sa pitong araw na iyon, ang orasan ay ire-reset sa day zero.
Maaaring paikliin ang isolation period para sa mga essential worker tulad ng mga medical staff, na maaaring makatapos sa ikalimang araw kung makakuha sila ng negatibong resulta gamit ang mga government-certified antigen test kit ng Japan sa parehong ikaapat at ikalimang araw.
Gumawa ng Anti-infection Measures sa Loob ng 10 Araw
Ayon sa National Institute of Infectious Diseases, sa mga taong nahawaan ng Omicron variant na may sintomas, 94.5% ang maaaring magkaroon ng kanilang mga sintomas sa loob ng unang pitong araw, ibig sabihin, humigit-kumulang 5% ang maaaring unang magpakita ng mga sintomas pagkatapos ng ikapitong araw. Batay sa pananaliksik na iyon, hinihiling ng health ministry sa mga close contact na ipagpatuloy ang paggawa ng anti-infection measures hanggang sa ikasampung araw, kahit na pagkatapos umalis sa isolation.