Covid vaccine mula sa Sinovac Biotech, aprubado na ng WHO

Inaprubahan ng WHO (World Health Organization) ang pag-gamit sa bakunang dinevelop ng Chinese giant pharmaceutical company na Sinovac Biotech. Inanunsyo ng WHO noong ika-1 ng buwang ito na aprubado na ang pag-gamit sa Sinovac vaccine, at sinasabing ang naturang gamot ay nababagay sa mga developing countries dahil ito ay nakumpirmang ligtas at madaling i-imbak. Dahil rito, inaasahan na ang pagsusupply ng Sinovac vaccines sa mga developing countries sa ilalim ng international framework para sa vaccine distribution na tinatawag nilang ” COVAX”. Ito na ang pangalawang pagkakataon na inaprubahan ng WHO ang bakuna na gawa mula sa China kasunod ng China National Pharmaceutical Group.
https://youtu.be/iwcWk3Z1qI4
Source: FNN Prime Online
