COVID19 Test: Mga Bagong Patakaran
Rerepasuhin ang Mga Panuntunan sa konsultasyon at Testing rules sa Japan
Ang Ministry of Health, Labor and Welfare ay inihayag na susuriin ang mga patakaran para sa pagsasagawa ng mga pagsusuri sa PCR sa Japan.
Sa ngayon, ang isa sa mga sintomas na ginagamit bilang isang parameter para sa mga query tungkol sa coronavirus at mga test, ay ang pagkakaroon ng lagnat na 37.5 ° C sa loob ng 4 na araw o higit pa.
Ang panuntunang ito ay tinanggal mula sa listahan at kung ang tao ay nahihirapan sa paghinga, matinding pagkapagod o lagnat maaari silang gumawa ng appointment agad.
Ang mga matatanda, mga buntis, mga taong may sakit na malala tulad ng diabetes at sakit sa puso ay maaaring sumangguni kahit na ang mga ito ay nagpapakita lamang ng mild na mga sintomas tulad ng lagnat at ubo.
Naiintindihan ng gobyerno na ang mga patakaran para sa pagsasagawa ng mga konsultasyon ng coronavirus ay hindi maayus na naipaliwanag kung kaya’t maaring isa ito sa mga dahilan ng pagkaantala sa pagtest at pag-gamot.
Ang bawat tao ay may average na temperatura ng katawan at sa kadahilanang ito, nagpasya silang baguhin ang mga patakaran. Maraming mga nahawaang tao ang naglalaan ng oras upang magpa-appointment dahil wala silang lahat ng mga sintomas na kinakailangan at sa kadahilanang ito, ang ilang mga mild na kaso ay lumalala dahil sa pagkaantala.
Kung pinaghihinalaan ka na nahawaan ka ng coronavirus, kahit na ang mga sintomas ay mild lamang, kontakin ang Consultation Center para sa mga taong nakabalik o nakipag-ugnayan sa mga nahawaang tao:
https://www.mhlw.go.jp/index.html
Layon ng pamahalaan na dagdagan ang bilang ng mga pagsubok na isinasagawa at mag-alok ng sapat na panggamot sa mga nahawaan.
Pinagmulan: NHK News
You must be logged in to post a comment.