Accident

Crane sa Isang Construction Site ng Tokyo, Natumba; 1 ang Namatay at 1 ang Nasugatan

Isang malaking crane ang nahulog sa tatlong sasakyan sa isang construction site para sa isang nursing facility sa Shinagawa ward ng Tokyo nitong Martes ng umaga. Isang tao ang namatay at isa ang nasugatan.

Sinabi ng pulisya ng Tokyo na ang crane ay nagbubuhat ng excavator nang bumagsak ito sa isang van, isang trak at isa pang sasakyan. Sinasabi nila na namatay ang isang lalaki na nakulong sa van, at isang lalaki sa trak ang malubhang nasugatan na may bali sa paa.

Ang dalawang lalaki ay napaulat na involved sa construction work. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

To Top