Napakahalaga ng kultura sa bawat mamamayan ng bawat Hapones. Maging sa kanilang istilo ng pananamit, ang cult fashion in Japan ay di maitatago. Lalo itong pinatingkad at binigyang puri sa Rooms Fashion Trade Show mula Pebrero 17-19 noong nakaraang taon (2015) sa Tokyo. Ang susunod na event sa biannual fair na ito ay gaganapin sa September ngayong taon (2016).
Rooms Fashion Trade Show
Bukod sa fashion, tampok rin dito ang Iba’t-ibang uri ng gadgets at traditional Japanese goods. Dahil sa makasaysayang pangyayaring ito, nagkakaroon ng pambihirang pagkakataon ang mga bisita mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo na malaman ang sari-saring mga katangian ng mga produktong kalahok sa trade na nabanggit.
Chara Chara Collection
Kasama sa trade at fashion fair na ito ang mga tinaguriang extroverts of fashion na mas binibigyang diin ang karakter ng isang fashion statement. Isa sa mga tampok na kiosk dito ay ang Chara Chara na hahalina sa lahat dahil sa kaniyang taglay na average type of modern fashion. Anuman ang ibig sabihin nito, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kalayaang pumili ng mga mamimili ng kanyang kasuotan at mga kagamitan na lubos niyang mauunawaan kung bakit nga ba ito ginawa.
Ang Chara Chara collection ay sinamahan ng pop culture ang bawat magagandang kasuotan na tiyak na maiibigan ng lahat. Ang tema ng pop culture sa aspetong ito ay aesthetics o kakaibang paraan ng pagpapaganda. Upang ating lubos na maunawaan, ito ay ang malaking pagkakaiba ng pagsusuot ng isang t-shirt na may disenyong Hello Kitty at ng tiyak na pagtukoy ng mga katangian nito tulad ng color palette at ang wastong fashion proportions.
Sa kabuuan, ang cult fashion of Japan ay may focus sa pisikal na anyo ng isang damit na siyang nagpapakilala ng ating personal na buhay, mga desisyong may kakayahayang bumago ng ating kapalaran at iba pa.
Image source: efe.com