General

Dahil sa Coronavirus: Tokyo2020 Olympics posibleng Makansela

Ayon sa panayam kay Prime Minister Abe, hangga’t maaari ay nais nyang wag munang magdaos ng kahit anumang national event sa susunod na 2 linggo. Malaki ang epekto ng mabilisang pagkalat ng virus sa kabuuan ng bansa kung kaya’t nababahala ang gobyerno ng Japan dahil dito. Nalalapit na ang Tokyo olympics na nakatakdang idaos sa loob ng humigit-kumulang 5 buwan. Sapat na kaya ang kakayanan ng gobyerno para makontrol ang patuloy na pagkalat ng virus hanggang sa sumapit ito?

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagkalat ng coronavirus na umabot na sa Brazil at Algeria. Sa ngayon ay kumalat na sa 5 kontinente ang virus kasama na ang Africa at South America. Sa Middle East Iran, masusing inoobserbahan naman ng Deputy Secretary of Health na si Harilchi ang coronavirus sa kasamaang palad ay nagpositibo rito. Ang kabuuang bilang ng mga nahawahan ay nasa 80,000 sa may 42 na bansa at rehiyon at nasa 2,700 naman ang kabuuan ng mga namamatay dahil rito. Samantala sa Centers for Disease Control sa United Stated ay dineklarang pandemic ng maituturing ang pagkalat ng virus na ito.

Dahil na rin sa hiling ni Prime Minister Abe, ang larong Rugby’s Top League na inanunsyo noong Martes ay maantala. Mayroon itong total 16 games sa Section 7 at 8 para umano mapigilan pa ang posibleng pagkalat ng corona infection dahil sa event na ito. Is- isa ng kinakansela o pinopostpone ang mga sporting events dahil sa virus at isyung baka may mahawa pa, kung kaya’t isang mainit na usapin din ang paparating na Tokyo Olympics sa July.

Sa panayam kay Committee member Dick Pound, International Olympic Committee: ” Maghihintay ang lahat sa final desisyun kung itutuloy nga ba o ikakansela ang pagdaraos ng olympics sa Tokyo hanggang sa buwan ng Mayo.”

Si Mr. Pound ay labis na nagaalala sa kasalukuyang estado ng Japan sa virus kung sakali man na ituloy pa rin dito ang event.

Pero ayon naman sa IOC, may sariling opinyon si Mr. Pound lahat naman tayo. Ngunit ang Secretary-General ng Organizing Committee na si Toshiro Muto ay hindi nagpapaapekto rito, bagkus raw ay walasyang plano na ikansela ang anumang event na may kaugnayan sa Olympics tulad nalang ng nakaraang Torch relay na ginanap ilang linggo na nakararaan.

https://youtu.be/xoE5UFLO7y8

Source: Youtube/ ANN News

To Top