Dahil sa covid-19, exclusive buses inilaan para sa mga pasahero ng Haneda at Narita
Ang mga bus na eksklusibo para sa mga imigrante mula sa Narita at Haneda patungo sa mga hotel ay inilaan bilang tugon sa pagpapanatiling makontrol ang pagkalat ng impeksyon mula sa labas ng bansa papasok sa Japan dahil sa mga imigrante na bumabiyahe dahil sila ay hindi pinahihintulutang gumamit ng pampublikong transportasyon upang lumipat mula sa isang pasilidad patungo sa mga hotel o lugar na kanilang tutuluyan para sa isolation mula sa paliparan.Ang chartered bus ay para sa mga imigrante, na nagsimula ng operasyon noong ika-16, ay mula sa Narita Airport at Haneda Airport na bibiyahe patungo sa 12 na mga hotel sa Tokyo tatlong beses sa isang araw. Ang mga bumalik at imigrante mula sa ibang bansa ay kailangang maghintay sa bahay o sa isang hotel sa loob ng 14 na araw pagkatapos makapasok sa Japan, ngunit hinihiling silang huwag gumamit ng pampublikong transportasyon kapag naglalakbay.
Ayon kay Yuichiro Ito, Managing Director ng Limousine Bus: “Kung ito ay magagamit para sa mga customer na hindi maaaring sunduin sa paliparan dahil hindi sila pinahihintulutan sa mga pampublikong transportasyon,” isasaalang-alang namin ang pagpapalawak ng bilang ng mga flight at service area para sa mga limousine bus kung ang bilang ng mga gumagamit ay madaragdagan sa hinaharap.
Source: ANN NEWS