General

Kadahilanan at Lunas sa Pasma

ANO ANG PASMA?

 

Ang pasma ay isang karamdaman kung kalian ang mga kaso-kasuan at kalamnan ay may kirot o hindi komportableng pakiramdam na mahirap maipahiwatig. Walang eksaktong katumbas na kahulugan ang pasma sa Ingles o sa modernong Medisina, subalit ang salitang ito ay nag-ugat sa salitang “spasm”. Ang kaugnayang ito ay pinalalim pa ng makabagong paliwanag mula sa modernong Medisina na ang pasma ay maaaring dulot sa kapaguran ng mga kalamnan o “Musculoskeletal spasm”.

 

BAKIT NAGKAKAROON NG PASMA?

 

Ayon sa mga matatanda, ang sanhi ng biglaang pagbabago ng mga kundisyon. Halimbawa, ang isang kakalaro lang ng basketball at nag-iinit pa ay maaaring magka-pasma kung siya ang biglang naligo ng malamig. Maaari ring magkaroon ng pasma sa kabaliktarang pangyayari: ang taong biglaang nainitan ay maari ring pasmahin. Ang isang musikero na tumutugtog ng gitara o piano ay hindi raw dapat maghugas ng kamay pagkatapos na pagkatapos ng pagtugtog; baka maging pasmado ang kanyang kamay.

Ayon naman sa modernong Medisina, ang pasma ay maaaring dahil sa sobra o di-wastong pag-gamit ng mga kasukasuan (joints) o mga kalamnan (muscles). Ito’y maaaring tawagin na “Musculoskeletal spasm”.

Ayon pa kay Prop. Michael Tan ng UP, ang pasma ay maaaring isang paraan ng katawan upang ipahiwatag na nasosobrahan na ito sa trabaho.

 

MAY GAMOT BA SA PASMA?

 

Ang mga sumusunod ay maaaring subukan

  1. Pag-inom ng pain relievers – Mga gamot gaya ng Ibuprofen, Paracetamol, at Mefenamic Acid ay maaaring makatulong na mawala sa kirot at iba pang pakiramdam na iniuugnay sa pasma.
  2. Hilot o massage  – Ang pag-hilot o pag-haplas sa apektadong bahagi ng katawan ay nakaka-relax sa mga kalamnan at maaaring makabuti sa pasma. Maaaring gamitin ang Efficasent Oil o anumang liniment / ointment sa paghilot.
  3. Ipahinga ang pasmadong bahagi ng katawan – Dahil pag nagpahinga, marerelax ang bahagi ng katawan na may pasma.

 

PAANO MAIIWASAN ANG PASMA?

 

Ayon sa mga matatanda, makakaiwas sa pasma kung iiwasan ang biglaang pagbabago sa kondisyon ng katawan: hindi dapat biglang mababasa, maiinitan, malalamigan, o magugutom. Ang mga ito’y walang basihan sa modernong Medisina ngunit kung ito ay gumagana sa iyong karanansan, walang masama na subukan ito.

Maaaring magpatingin sa Occupational Therapist o Rehabilitation Medicine Doctor upang malaman kung nasososobrahan ba o di-wasto ang pag-gamit mo sa iyong mga kalamnan. Ang pagbawas sa trabaho, ang pamamahinga, at ang regular na exercise na maaari ring makatulong na mawala ang pasma.

 

 

Source: KalusuganPH

To Top