General

Daiichi Sankyo naghahanda na para sa Astrazeneca Vaccine formulation habang naghihintay maaprubahan

Sisiguraduhin ng gobyerno na makakarating ang AstraZeneca covid vaccines kapag ito ay naaprubahan na. Inanunsyo ng Daiichi Sankyo Co., Ltd. na inumpisahan na nilang ihanda ang mga bote ng bakuna na may undiluted solution na inimport pa mula sa British pharmaceutical giant na AstraZeneca. Nagkaroon naman ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng AstraZeneca na magsusupply ang nasabeng kumpanya ng 120 milyong dosis ng bakuna at sa ngayon ay naghahanda na sila para sa pag-apruba ng Ministry of Health, Labor and Welfare matapos isumite ang mga karagdagang datos para sa domestic clinical trials. Ang AstraZeneca ay nagpaplanong mag-angkat ng 30 milyong dosis hanggang sa katapusan ng buwang ito, at umaasang sana ay makapagtatag na sila ng isang maayus na sistema upang maiparating ang mga nasabing supply kapag naaprubahan na ito.

Source: ANN NEWS

To Top