General

Dalagitang nanggaling ng Spain kumpirmadong Ncov Positive!

Ang isang dalagitang naninirahan sa Okinawa, na bumalik mula sa Espanya noong ika-20, ay nakumpirma na nahawahan ng new coronavirus.

Ayon kay Governor Tamaki ng Okinawa Prefecture: “Dumating ang dalagita sa Narita Airport mula sa Spain noong Marso 20 at dumiretso ng Okinawa sa parehong araw, ngunit nang dumating sya sa Narita Airport, at isinagawa ang  PCR test sa istasyon ng quarantine ang resulta ay nakumpirmang positibo nang sumunod na araw, mula sa report ng Ministry of Health, Labor ,and Welfare. “Ang impeksyon ay nakumpirma sa isang dalagita na naninirahan sa loob ng nasasakupan ng Chubu Public Health Center. Ayon sa prefecture, ang babae ay dumating sa Narita Airport mula sa Spain noong ika-20 at lumabas na positive sa resulta ng PCR. Ang babae ay pinakiusapang maghintay muna ng ilang sandali para sa resulta ng PCR test, ngunit dumiretso na ito ng Okinawa sa parehong araw nang hindi na hinintay ang resulta ng pagsubok na nakumpirma sa sumunod na araw. Walang sintomas ang babae. Naglakbay din siya kasama ang anim na tao, kasama ang kanyang pamilya at kamag-anak, ngunit lang lima ay negatibo. Ang kasong ito ay isang “airport quarantine case” kung saan nakumpirma ang impeksyon sa paliparan, at hindi kasama sa mga pagsiklab ng hawahan sa mga prefecture. Sinusuri ng mga health center ang behavioral history at contacts ng dalagita.

Source: ANN News

To Top