Daytime karaoke store positibo sa covid infection, 28 katao na customers hindi mahagilap

Sa Sapporo City, 5 kaso ng hawahan ang kumpirmado sa isang “daytime karaoke”. Inanunsyo ng siyudad na 4 na customer nito nasa edad 60’s, at 2 empleyado nito ang positibo sa virus sa “Karaoke Square Sapporo Sakyoku” sa Kita Ward. Humihingi ng tulong ang may-ari ng nasabing karaoke sa public health center dahil hindi nila umano makontak ang 28 sa 48 katao na naging customer nito sa loob ng 4 na araw. Dahil sa pangyayaring ito, ang cluster infection na nagaganap sa mga daytime karaokes sa Hokkaido ngayon ay umabot na sa 18 stores at 52 na indibidwal.
https://youtu.be/RZblffwGQtY
Source: ANN News
