General

Declaration of state of emergency, Hinihintay pa rin

Sa pagkalat ng new coronavirus, patuloy pa ring ipinapakiusap ng karamihan sa mga gobernador ng iba’t ibang prefecture  ang isang emergency declaration na ilalabas na order batay sa Revised Special Measures Law laban sa Pandemic na kumakalat magpasahanggang-ngayon. Ang mga kahilingan at tagubilin mula sa lokal na gobyerno hinggil sa “self-restraint o stay-at-home advisory” na maya’t maya inaanunsyo bilang paalala sa mga mamayan ng ibayong pag-iingat ang tanging magagawa ng mga gobernador at mayor sa ngayon hangga’t wala pang inilalabas na legal na order mula sa itaas. Gayunpaman, walang parusa para sa hindi pagsunod, dahil limitado lamang ang kayang gawin ng lokal na gobyerno para dito kung kaya’t hanggang paalala lamang sa ngayon ang kanilang isinasagawa.

Kapag ginawa na ang deklarasyon, hihilingin ng mga gobernador ng prefectural ang mga residente na iwasan ang paglabas gamit ang isang legal order, ngunit hindi posible na ipilit ang  “stay at home”. Inaasahan na lamang nila ang buong kooperasyon ng mga resident, mga negosyante at pati na ang mga institusyong medikal.

Gayunpaman, ang mga gobernador ay humihingi ng isang order dahil gusto nila ng isang legal na batayan para sa kanilang kahilingan na “stay at home request”.

Pahayag ni Lawyer Hirofumi Yoshimura, ang prefectural governor ng Osaka Prefecture: “Dapat akong mag-isyu ng isang pahayag. ” dahil ang impeksyon ay patuloy na tumataas, at ang ratio ng mga positibo sa bilang ng mga pagsusuri ay mataas, kung kaya’t ako ay humihiling na kung maari iwasan ang paglalabas kung hindi importante sa loob ng mga tatlong linggo …

Source: Mainichi news

To Top