International

Defense Ministry ng Japan, Nagbibigay ng Pagsasanay sa Philippine Navy

Ang Defense Ministry ng Japan ay nag-aalok ng mga training session sa mga Philippine navy personnel sa pagsisikap na tumulong na lumikha ng isang stable security environment.

Inimbitahan ng ministry nitong Lunes ang media sa isang sesyon sa pasilidad ng Maritime Self-Defense Force sa Yokosuka, sa labas ng Tokyo.

Mula noong huling bahagi ng Pebrero, siyam na miyembro ng Philippine navy ang nag-aaral ng vessel maintenance, kabilang ang kung paano alagaan at i-assemble ang mga bahagi ng isang malaking makina.

Sinabi ng ministry na plano ng Philippine navy na magpakilala ng large vessels at ang SDF ay nagbibigay ng practical training kapag hiniling mula sa panig ng Pilipinas.

Sinabi ni Lieutenant Mark Ben Camarines na ibabahagi nila ang mga kaalaman at kasanayang natutunan sa Japan sa kanilang mga kasamahan at gagamitin ang kaalaman.

Sinabi ni Kurashige Nagato ng Second Service School ng Maritime Self-Defense Force na ang katatagan sa rehiyon ng Indo-Pacific ay mahalaga para sa kaunlaran ng Japan, at ang ministry ay patuloy na sumusuporta sa Pilipinas.

Ang ministry ay nagbibigay ng pagsasanay pangunahin sa mga defense official ng Southeast Asian countries mula noong piskal 2012.

Nagkasundo noong nakaraang buwan sina Japanese Prime Minister Kishida Fumio at Philippine President Ferdinand Marcos Jr. na palalalimin ng kanilang mga bansa ang kooperasyon sa seguridad at iba pang larangan sa harap ng dumaraming maritime activities ng China.

To Top