Health

Detox sa natural na pamamaraan!

Kadalasan dahil na rin sa mapang-abusong lifestyle kung kaya’t tayo ay kalaunay nagkakasakit partikular na sa atay.

Shout out para sa mga mahihilig kumain ng mga karne at matataba lalo na ang mga manginginom dyan! Heto ang isang paraan upang mapanatiling malusog ang inyong mga atay sa pamamagitan ng natural home-made detox drink.

Kung gusto nating mapanatiling malusog ang ating pangangatawan, marapat lamang na tayo ay madalas kumain ng gulay at magmaintain ng healthy lifestyle. Kapag ang katawan ay laging exposed sa stress, walang sapat na pahinga, palagiang paginum ng alak, at pagkain madalas ng mga macholesterol at matataba. Kadalasang apektado ang ating internal organs tulad ng tyan,apdo,kidneys partikular na ang atay dahil sa mga toxins na mula sa mga kinakain natin.

Ang atay ang syang nangangasiwa sa pagflush out o pagtatanggal ng mga toxins palabas sa ating katawan at pati na rin sa protein absorption.

Kung gusto mong protektahan ang iyong atay, ang detoxification ay kinakailangan upang mapanatili itong malusog. Dahil hindi agad agad napapansin kung nagkaroon  ka ng sakit sa atay, ang pagkakaroon ng hindi malusog na atay ang isang dahilan sa napakaraming sakit sa ating katawan.

Ano nga ba ang mga sangkap para sa natural home made detox recipe na ito?

Narito ang mga sumusunod:

  1. Orange juice
  2. Lemon juice
  3. Organic honey
  4. Isang salop ng fresh mint leaves
  5. 1 litro ng tubig

Pamamaraan:

Pakuluan ang mint leaves sa kaldero sa loob ng 5minuto. Pagkatapos ay salain at hanguin ito. Isalin s baso. Lagyan ng orange juice at lemon juice samahan na din ng grated peel of lemon. Patamisin gamit ang honey ayon sa inyong panlasa.

Walang mawawala kung susubukan lalo na kung kalusugan ang pinaguusapan.

 

source: Health pinoy tips

Detox sa natural na pamamaraan!
To Top