Ang iba’t-ibang estilo sa pananamit ng noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay malaki ang kaugnayan sa kasalukuyan, lalo’t higit sa kasuotan ng mga babae.
Coupon System for Clothing Materials
Halos lahat ng tela ng ay nirarasyon ng mga panahong iyon. Noong 1941, coupon system ang sistemang umiral na isa sa pinakamabisang paraan sa pagrarasyon ng clothing materials. Sa Britanya, ang mga matatanda ay nakakatanggap ng anim na put anim na kupon sa loob ng isang taon.
Clothing Materials Used
Malaki ang pangangailangan sa nylon at wool bilang mga pangunahing sangkap ng mga damit ng mga military personnel. Ngunit sa kasamaang palad, ang Japanese silk ay mahigpit na ipinagbawal. Ang rayon ang pinaka-popular na uri ng tela na ginamit sa paggawa ng mga damit pambabae.
Fashion Styles of Women during World War II
Sa paglipas ng mga mahabang panahon, ang Harvey Nichols fashion store ay gumawa ng isang kakaibang uri ng kasuotan. Ito ay ang tinatawag na gas protection suits na yari sa pure oiled silk na mayroong iba’t-ibang kulay. Samantala, ang mga kababaihan ay mayroong mga utility jumpsuits. Ang mga ganitong klase ng wardrobe ay napakumportable sa katawan.
New York Replaced Paris
Para sa mga tanyag na fashion designers, ang dolmen sleeves, cuffs, non-functional buttons ay sadyang bahagi ng tinaguriang evolution of a fantastic fashion sense. Ang Paris, na dating fashion capital, nawala ang kinang at kasikatan nito sa larangan ng women’s fashion. Ngunit, sadyang mapagbiro ang tadhana. Sa isang iglap, napalitan ng New York ang Paris bilang “Fashion Leader” ng mundo.
Claire McCardell
Si Claire McCardell ang pinakapamosong pangalan bilang fashion icon noong World War II. Siya lang ang gumamit ng mga telang di kailanman kinilala ng mga military personnel. Kabilang dito ang mga sumusunod: cotton denim, striped mattresses, gingham at calico. Ayon sa mga fashion experts, ang mga ito ay kumportable, at maaaring isuot araw-araw.
Wise War Dressing Code
Gayun din, ang sikat na fashion trend noong World War II ay tinawag na wise war dressing code. Ito ay mayroong mga patriotic colors na sumisimbolo sa kalagayang pulitikal ng buong daigdig. Halimbawa ng mga ito: Air Force Blue, Cadet Blue, Greens, Tan at Gray Flannel. Ngunit ang Rayon type of fabric ang pinaka-versatile na uri ng tela noong panahon ng masalimuot na digmaan na gumimbal sa buong daigdig.
Anuman ang uri ng tela o kasuotan ang iyong mapiling tularan sa makabagong panahon, ito’y dapat naaayon sa iyong kultura, kasarian at pagkatao upang lumitaw ang tunay na kariktan ng iyong sakdal at mayuming pagkatao.
Images from www.glamourdaze.com