General

Divorce of Pinoy

DIVORCE OF PINOY ABROAD IS (NOW) VALID IN THE PHILIPPINES
“Filipinos divorced in other countries are allowed to remarry under Philippine Law”. Ito ang landmark decision na isinagawa ng pinakamataas na sangay ng batas sa Pilipinas, ang Supreme Court, en banc (decision by all of the judges) noong April 24 sa pag-recognize ng divorce ng pinoy sa isang foreigner. And desisyon ng SC judges ay 10-3-1 (10 ay sang-ayon ang boto, 3 ay hindi sang-ayon, at 1 ay hindi bomoto) sa kaso ni Marelyn Tanedo Manalo, na siyang nag-divorce mismo sa kanyang asawang Hapon na si Minoru Yoshino nong Dec. 6, 2011.
Sa kasalukuyan, hindi pa maaring magfile ng divorce sa Pilipinas ayon sa batas. Ang Pilipinas at ang Vatican na lamang ang dalawang bansa sa buong mundo na nagbabawal sa divorce. Kasalukuyang approved na ang divorce bill sa Kongreso ng Pilipinas ngunit dadaan pa ito sa approval sa Senado sa mga sumusunod na araw. Ngunit ayon sa landmark ruling na ito ng Supreme Court sa kaso ni Manalo, maari nang magpakasal uli ang sinumang Pinoy (na kasal sa foreigner) sa Pilipinas kung siya ay divorced na sa kanyang asawa sa abroad.

 

 
Source: Philippine News, April 24, 2018
By: Jean Nakahashi
Divorce of Pinoy
To Top