Events

Docomo: “Ahamo” 2700yen/ month na ang singil simula ngayong Marso

Inanunsyo ng NTT DoCoMo na babawasan pa nito ang presyo ang bagong plano na “Ahamo” na nakatuon sa mga online na pamamaraan para sa mga mobile phone sa 20 gigabytes na halagang 2700 yen. Binawasan pa ng NTT DoCoMo ang buwanang singil ng 20 gigabytes mula 2980 yen sa 2700 yen bawat buwan para sa bagong plano na “Ahamo” na magsisimula sa ika-26. Ang KDDI at Softbank ay nag-anunsyo ng isang bagong plano na 2480 yen bawat buwan na may magkakahiwalay na singil sa pagtawag, ngunit ang DoCoMo ay makikipagkumpitensya sa sarili nitong plano na kasama na ang mga singil sa pagtawag. Ang bilang ng mga terminal na sumusuporta sa Ahamo ay magiging 93, kasama ang pinakabagong iPhone 12 at Android. Ang kumpetisyon para sa mga customer ng mga kumpanya ng mobile phone ay lumalakas sa pagsisimula ng serbisyo.

Source: ANN NEWS

To Top