General

Documents Needed for Passport Application Philippines (Mga Dokumentong Kailangan para sa Pag-apply ng Pasaporte sa Pilipinas)

passport application and renewal philippines

“Mangingibang bansa ka ba?” May ilan sa ating mga kababayan na aalis ng bansa upang magtrabaho o dili kaya ay pumasyal at maglibang. Para sa mga unang pagkakataon pa lang na aalis ng bansa, kakailanganin natin ang pasaporte. Ngunit anu-ano nga ba ang mga dokumentong kailangan para sa pag-apply ng pasaporte sa Pilipinas (documents needed for passport application Philippines)?

 

First Time Application

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa mga first time kukuha ng pasaport, ihanda dapat  ang lahat ng mga kakailanganing dokumento para mas mapadali ang aplikasyon. Sa araw ng inyong pagpunta sa DFA, mainam na ipa-xerox ang mga dokumento at mga identification cards (ID) tulad ng:

NSO Birth Certificate

  • application form na may sagot na.
  • orihinal na ID na may bisa pa o orihinal na pang-suportang dokumento na naglalaman ng buong pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan at pagka-Pilipino.

Upang makasiguro, maaari ring dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

Marriage Contract

  • Land Title
  • Driver’s License
  • Government Service Record
  • School Form 137 o Transcript of Records na may dry seal
  • Iba pang dokumentong nagpapakita ng buong pangalan, detalye ng kapanganakan ng aplikante kung may detalye ng pagkapilipino ay mas mabuti
  • Voter’s Registration Record na galing sa COMELEC Intramuros
  • Baptismal Certificate na may dry seal
  • Seaman’s Book
  • Income Tax Return (Luma)
  • NBI Clearance

 

Passport Renewal

Para sa iba naman na mag-rerenew ng pasaporte, heto ang mga dapat dalhin at gawin:

  • Lumang Pasaporte
  • Digitized SSS ID
  • Driver’s License
  • GSIS E-card
  • PRC ID
  • IBP ID
  • OWWA ID
  • Digitized BIR ID
  • Senior Citizen’s ID
  • Unified Multi-Purpose ID

Ibang ID na pwede nilang tanggapin:

  • Old College ID
  • Alumni ID
  • Old Employment IDs

Dapat din nating tandaan na six months bago mawalan ng bisa ang pasaporte,  dapat ay atin na itong i -enew ng maiwasan natin ang abala sa paglabas at pagpasok ng bansa.

Magsuot lamang ng din damit na kaaya-aya at iwasang magsuot ng hindi disenteng kasuotan.

To Top