Culture

Dohtonbori Japan and Philippines: Exquisite Japanese Restaurant Conquers Asia

Dohtonbori

Ang gumaganda at sumisiglang komersiyo at pananalapi sa Pilipinas ay muling binigyan ng kakaibang kahulugan at ningning sa pagkakatayo ng isang sikat na Japanese restaurant na kung tawagin ay Dohtonbori. This is coupled by another beautiful name that is no other than but the delicious Okonomiyaki. It is deliciously referred to as a Japanese Pancake.

Despite of this attribution, hindi ito kasing lambot ng tradisyunal na pancake na lubos nating kinagiliwan noon at hanggang ngayon. Etymologically, ang first word ng Japanese term na ito ay okonomi na ang ibig sabihin ay “what you like” and yaki which simply means grilled. Thus, if you are to combine these words these would be come okonomi na ang ibig sabihin “to one’s liking.”

 

Dohtonbori Japan

Since Dohtonbori was first established in Japan in 1990, it has continued its lasting promise and commitment na magbigay ng galak o katuwaan ang kanilang mga tapat at ginigiliw na mga bisita araw-araw sa loob ng mahigit dalawampu’t limang  taon. Sa katunayan, ang Dohtonbori ay nakarating na rin sa Pilipinas.

 

Dohtonbori Philippines

Ang cozy at tanyag  na Dohtonbori Philippines ay mayroong bestseller na kung tagurian ay the Osaka-style okonomiyaki, na ang kung saan ang pangunahing sangkap ay harina, ginadgad na nagaimo, itlog, dashi, ginayat na repolyo, luya at green onions.  Ang dinarayong kainan na ito sa Pilipinas ay mayroon ring nilutong okonomiyaki. Bilang paglalarawan, ito ay nilahukan ng okonomiyaki sauce, aonori o seaweed flakes, katsuobushi at ang masarap at malasang Japanese mayonnaise.

Sa kasalukuyan, ang Dohtonbori Phiilippines ay lalo pang pinasasarap ang nakakabusog na okonomiyaki menu. Unbelievably, it has now an approximate of 200 menus. Kasama na rito ang nakakakilig na cheese variety ng walang kamatayang okonomiyaki at ang katakam-takam na Korean-inspired okonomiyaki.

 

Menu

Kabilang sa mga di malilimutang mga menu variations ng Dohton Bori Philippines ay ang mga sumusunod:

A. Different Varieties of Okonomiyaki

  • Pork and Seafood
  • Mochi and Cheese
  • Pork and Kimchi at marami pang iba

B. Yakisoba

  • Pork and Seafood

C, Teppanyaki

  • Japanese BBQ

 

Locations

Ang pinakapangunahing sangay ng Dohtonbori Philippines ay matatagpuan sa 8 Missouri st., North East Greenhills, San Juan, Manila, Philippines.

 

Opening Hours

Maaari ninyong bistahin ang Dohtonbori Phiippines simula Lunes hanggang Linggo, 11:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

 

Halina’t ating tikman, lasapin at ipagmalaki sa buong mundo ang kakaibang hype na dulot ng Dohton Bori Philippines para sa mga Filipino at turistang mahilig sa Japanese cuisines at marami pang  iba.

image credit: Dohtonbori Philippines Facebook page

To Top