General

Driverless Bus Test in Chiba Launched

Driverless Bus

Ang makabagong teknolohiya sa bansang Japan ay patuloy sa pagsibol at pag-unlad. Ito ay nagpapakita ng kanilang walang katapusang katatagan bilang isang super power nation sa Asya. Sa kasalukuyan, ang mga siyentipiko ay abala sa kanilang pagpapabuti ng isang bagong Japanese invention, ang driverless bus. Sinimulan ang kauna-unahang test drive ng kakaibang sasakyang ito sa Chiba City, malapit sa kabisera ng Japan. Ito ay tinatawag na Robot Shuttle.

Robot Shuttle

Ang proyektong ito ay naging possible dahil sa pakikipagtulungan ng dalawang malalaking kumpanya na Aeon at ang pamosong DeNA, na isang IT company. Ang pinakamodernong Robot Shuttle ng Japan ay isang mini bus na may seating capacity para sa labingdalawang katao. Gayun din, ang sasakyang nabanggit ay may mga sophisticated cameras at mga sensors para mabantayan ang kilos ng mga pasahero.

Ang test run ng driverless bus ay ginawa sa loob ng Toyosuna Park sa Makuhari district in Chiba, malapit sa Aeon, isang shopping mall sa Japan. Ginawa ang makasaysayang test drive mula ikasampu ng umaga hanggang ikalima ng hapon araw-araw hanggang Agosto 11. 2016.

Ayon sa mall operator, ang kamangha-manghang driverless bus ng Japan ay magsisilbing regular mode of transportation para sa lahat. Kasama rin rito ang mga theme parks at mga universities sa darating na mga taon. Ito ay bibiyahe ng roundtrip sa halagang 200 yen para sa mga adults at 100 yen naman para sa mgs bata.

EZ10 by EasyMile

EZ10 ang tawag sa driveless feature ng isang sasakyan na unang nadiskubre ng isang French firm na EasyMile. Ito ay sadyang idinisenyo ng walang driver. Sa halip, mayroon itong predetermined route, slowing down at stop mechanisms na wala sa pangkaraniwang sasakyan.  Sakaling may mga road emergencies, ito ay hihinto sa tulong na isang DeNA operator na nakasakay sa nasabing modernong sasakyang pampubliko.

Hindi mapagkakailang ang Japan ay sadyang malikhain at tunay na mapagmahal sa mga technological innovations na walang kaparis saan mang panig ng mundo.

Image: easymile.com

To Top