DRUNK DRIVING ON BICYCLE: Magkakaroon ng penalty sa batas
Ang Japan National Police Agency ay nag-iisip ng pagpatong penalty para sa mga nagbibisikleta na lasing (driving bicycles under the influence of alcohol). Wala sa kasalukuyang batas ang tungkol sa parusa sa drunk driving sa bisikleta.
Sa mga nagdaang taon, dumami ang mga accidents kaugnay sa pagbibisikleta. Ang layunin ng penalty ay pigilin ang mga nagbibisikletang “under the influence of alcohol” para mabawasan ang panganib ng kamatayan o malubhang sugat dahil sa aksidente.
Maaari ring irekomenda ang pagkakaroon ng penalty sa paggamit ng smartphone habang nagbibisikleta.
Ang Police Agency ay naglalayon na mag-submit ng suggestions para sa pag-amenda sa Batas sa Trapiko sa regular na sesyon ng National Diet sa susunod na taon.
CHUNICHI WEB 30 AUGUST 2023