General

DUTERTE: END THIS “TANIM-BALA” SCHEME

DUTERTE: Hindi aarestuhin o kakasuhan sa korte ang mga pasaherong mahuhulihan ng bala hangga’t walang baril na makikita sa kanila.

MANILA, PHILIPPINES – Ayon kay Senior Superintendent Mao Aplasca, ang bagong direktor ng Police Aviation Security Group (Avsegroup), hindi na dapat mag-alala ang mga manlalakbay at turista sa tanim-bala. Ito ay dahil sa inilabas na order ni President Rodrigo Duterte na walang pasahero na mahuhulihan nang bala ang maaaring arestuhin o kasuhan sa korte hanggat walang nakikita o nakukumpiskang baril mula sa kanila.

Ayon pa kay Aplasca, ang pasaherong makikitaan ng bala ay sasailalim sa tinatawag nilang “immediate profiling”. Ito ay ang pagsisiguro sa kanilang pagkakakilanlan, katauhan at intensyon sa pagdadala ng bala. Upang malaman kung ang nasabing pasahero ay may direkta o indirektang kaugnayan sa mga terrorista o grupo ng mga kriminal.

Ang mga pasaherong magkakaroon ng clearance sa nasabing “immediate profiling” ay kaagad ring makakapag-board sa kanilang mga flight.

SOURCE: ABS CBN NEWS

#Japinoy #Japinonet

To Top