General

EARTHQUAKE RISK AREAS

Naglabas ang gobyerno ng Hapon ng mapa na magsisilbing gabay sa mga lugar na lubhang mapanganib tuwing may lindol. Isang seryosong usapin ang kaligtasan kaya inilabas ng mga Siesmologists ang nasabing mapa upang maitama ang antas ng panganib sa ikalawang porsyento na mas mataas. Ang mga rehiyon na malapit sa baybayin ng karagatang pasipiko ay higit na mapanganib lalo na yung mga residente na malapit sa Nankai fossa (Nankai Torafu). Ang mapang iyon ay magsisilbing batayan ng probabilidad ng magaganap na lindol sa Japanese scale shindo 6 na mahina pa sa susunod na tatlumpong taon. Ang pinaka-mapanganib na bahagi ayon sa isang pagsisiyasat ay maaaring ang Chiba-shi na may walumpong limang porsyento ng probabilidad na pag-lindol. Mayroong labinglimang bodega na nasa pinangangambahang lugar na may nakapalibot na mga tindahan ng gamot, groceries, at kahit mga lagari.

Narito ang ilan pa sa mga lugar na pinakamapanganib:

Chiba- shi ………………….. 85%

Yokohama- shi ……………….. 81%

Shizuoka- shi ……………….. 68%

Tsu -shi ( Mie ) …………….. 62%

 

At ayon sa mga dalubhasa: “Hindi namin alam kung kailan ito darating, ngunit alam naming ito ay darating.”

 

Source: ANN News

To Top